Pia Wurtzbach, sa simula pa lang ‘di na bet ni Direk Erik Matti na pumapel sa Darna

MULA nang maglabas ang ABS-CBN at Star Cinema ng kanilang official statement na hindi na si Angel Locsin ang gaganap bilang Darna sa pelikulang ididirek Erik Matti last Monday, maraming pangalan ang naglabasan as suggestions kung sino ang puwede pumalit.

Angel Locsin & Pia Wurtzbach

Nasa top 3 choices ng bayan sina Sarah Geronimo, si Liza Soberano (na perfect sa para sa amin), at si Pia Wurtzbach.

Si Sarah, tila tumanggi na (for sure ayaw niyang magpaseksi). Si Liza, can she expose her sexy torso for this project? Pakiwari ko’y mas nae-enjoy ko pa lang ang “prinsesa” namin sa kanyang romcom at pa-tweetums na mga karakter. Parang too early para makita ang kaseksihan ng dalawa.

Si Pia, malakas based sa surveys. Sa katunayan, ang fans ng Miss Universe 2015 ay ginagawan na siya ng art works na kunwari at naka-Darna outfit.

Pero sa simula pa lang ay talbog na si Pia. Hindi na nakapasa bago pa man nakansel si Angel sa project.

In short, ayaw sa kanya ng direktor na si Erik Matti, ayon sa kuwento ni Marc Logan sa morning radio show nila ni Amy Perez sa DZMM na “Sakto”.

Nang ma-interbyu si Direk Erik sa programa nina Marc at T’yang Amy late last year, nasabi na niya na hindi si Pia ang gusto niya para gumanap as Darna, dahil mestisa at maputi ito.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.