Pia Wurtzbach, natatawa lang sa tsismis na may 2 nang anak ang boyfriend na si Marlon Stockinger

MAY anak na raw sa pagkabinata ang boyfie ni Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger. Hindi isa kundi dalawang anak na ngayon ay pinag-uusapan sa social media.

Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger

Ito kasi ang pinagpistahan last week nang makausap ang dating Miss Universe sa isang event kamakailan na natatawa na lang sa kumakalat na tsismis.

Pero kampante si Pia sa estado ng lovelife nila ni Marlon. Nothing to worry siya, ‘ika nga, dahil going strong ang relasyon nila.

“We’re happy. I really don’t understand why people would have anything bad to say about us, because I think we’re just a reflection of every other couple there is out there and we’re happy,” sabi niya sa media.

“I think being a beauty queen or being a Miss Universe, hindi naman distraction ‘yun. Kasi I’ve always been dedicated to my job and I still am. And he’s the same. So if anything, we’re just pushing each other to be the best that we can be,” dugtong pa ng 27 years old na dalaga na nagbabalak na maging aktibo sa kanyang iniwanang showbiz career nang sumali siya sa Binibining Pilipinas na nag-end sa pagiging Miss Universe last year.

Naging sila ni Marlon nang ikumpirma nila last January ang kanilang relasyon sa puliko na sinundan naman ngayon ng tsika na may anak na kambal ang binata kasunod ng pag-amin nila ng kanilang pagmamahalan.

Pero walang alam ang dalaga tungkol sa isyung ito. Tanong niya, “Are you sure it’s the same Marlon? There’s a lot of Marlons. Huh? I don’t know anything about that,” pagdududa pa niya sa balita.

Sa ngayon, pareho nilang ini-enjoy ang kanilang relasyon na tila aprub naman sa publiko ang boyfriend ng dalaga.

Kung sinasabi na after na aminin ni Pia na sila na ni Marlon, wala pa raw sa isipan niya ang pagaasawa.

“Oh no we haven’t talked about that. I’m not thinking about that as well. I’m very career-driven. My focus right now is my work. Marami pa akong gustong ma-achieve sa trabaho, so wala pa ‘yun. Bata pa ako,” sabi niya.

Basta ang sinigurado ni Pia ay masuwerte siya kay Marlon.

“He makes me feel special everyday. Malambing naman siya. Mas malambing siya sa akin,” natatawang kuwento ng dalaga sa media.

Pero may one-liner si Pia sa mga girls na nangunguilit sa boyfie niya na tigilan na nila ang pagte-text at paglalandi kay Marlon.

Sa guwapo ba naman ni Marlon, hindi maiiwasan na marami ang aali-aligid. Pero mukhang matibay naman ang romansa ng dalawa.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.