Pia Moran, gustong magpa-rehab by Tita Swarding

OLACHIKKA! NAKU, HA! Naloka ako nang mabasa ko sa isang site at sa mga pahayagan din ang isinulat ng isang luka-lukang columnist at marami pa. Ha! Ha! Ha! Malerke kayo dahil kahit halata na ang butas ay pilit pa ring pinagtatakpan ng isang bayarang columnist si Willie Revillame at kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi.

Ako mismo at ang mga kasama ko na sina Ivy at Renan, halos araw-araw ako dumadaan sa ABS-CBN at pumasok pa ako nu’ng isang araw. At sa sinasabi ng isang sinungaling na columnist na marami ang nagra-rally sa labas ng ABS-CBN  ay isa lamang itong napakalaking kasinungalingan dahil hindi lang ako mismo ang saksi marami pa na walang rally na nangyayari sa labas. Pinagpipilitan ng isang columnist na ito na na kesyo ayaw ng mga tao na mawala si Willie sa Wowowee. Tse! Alam n’yo ba kung bakit ayaw niya na mawala si Willie? Dahil mawawalan rin siya ng raket. Ha! Ha! Ha!

Dahil isa po siyang dakilang bayaran ni Willie at sinasabi pa niya na respetado siya sa showbiz. Hoy, nagkakamali ka dahil mula pa noon ay marami na akong naririnig mismo pa galing sa inyo kuning-kuning na mga anak anak daw, ha! Kung anu-ano ang sinasabi sa ’yo dahil isa kang dakilang bayaran. Hmmmm… Masyadong halata ang tira mo, loka-loka!  “Magtigil ka na!”, tsika nga ng isa kong friend. Gusto ng isang isang columnist na ito na magaya si Willie sa kanya na natangal. Huh!  ‘Yun na!

NAKU, HA! ITO rin ang isang luka-luka,halos maiyak-iyak si Pia Moran nang nagkuwento sa akin sa kalagayan niya ngayon dahil huling-huli nga sa akto kung ano ang pinag gagawa nitong si Pia. Naku, ha! Mukhang kulong nga ang aabutin ng hitad na ito. Sa may Novaliches nahuli si Pia at iba pang kasamahan na nagpa-pot session umano. Ayon sa kuwento ni Pia,hindi naman daw siya kasama sa mga ‘yun. Kinuha lang daw nito ang cellphone na nakasangla du’n mismo sa bahay na ni-raid ng mga pulis. At ayun, napasama nga ang hitad.

Nu’ng shooting ng Baklas kung saan kasama si Pia Moran,sinabihan ko na siya ng “nagda-drugs ka, ‘no?” Ang sagot niya ay “Tita hindi, ah.Hindi ako gumagamit”. Pero hindi ko pa siya tinantanan. Sabi ko, “Pia, itigil mo na ‘yan. Masama ‘yan” dahil pansin ko sa kanya na gumagamit nga. Pero hindi pa rin nakinig kaya ayan ang inabot niya. Kaya ang sabi na lang niya sa akin, “Tita, alam kong pagagalitan mo ako. Magpapa-rehab na lang ako.” Naku, hija,ikaw ang may hawak sa buhay mo. Matanda ka na, alam mo na ang ginagawa mo. Matagal ko nang sinabi sa ‘yo noon pa pero hindi ka nakinig. ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Delicious actor, madali ma-getsing pag lasing

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Pia Moran, gustong magpa-rehab by Tita Swarding

  1. ganun talaga siguro ang taong kailangan ng trabaho. pikit mata syang sumusulat ng kasinungalingan, nagbubulagbulagan. kung talagang may malasakit si willie sa kanya e bakit di sya maibalik sa ABS… hahaha. sana pareho na lang silang mawala at magtayo ng sariling istasyon….

  2. ha..ha.ha…talagang sinusuka na ng buong industriya itong si demonyang CRISTY FERMIN, umaalingasaw talaga kahit sa mga kasamahan nya ang pag kagahaman nya sa pera…mas kilala ka nga naman ng mga kasamahan mo,mas alam nila ang pag kabayaran mo…sa bagay obvious naman talaga…na mukha kang kwarta..

  3. Naloka ako nang mabasa ko sa isang site at sa mga pahayagan din ang isinulat ng isang luka-lukang columnist at marami pa. Ha! Ha! Ha! Malerke kayo dahil kahit halata na ang butas ay pilit pa ring pinagtatakpan ng isang bayarang columnist si Willie Revillame at kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi.

    Ako mismo at ang mga kasama ko na sina Ivy at Renan, halos araw-araw ako dumadaan sa ABS-CBN at pumasok pa ako nu’ng isang araw. At sa sinasabi ng isang sinungaling na columnist na marami ang nagra-rally sa labas ng ABS-CBN ay isa lamang itong napakalaking kasinungalingan dahil hindi lang ako mismo ang saksi marami pa na walang rally na nangyayari sa labas. Pinagpipilitan ng isang columnist na ito na na kesyo ayaw ng mga tao na mawala si Willie sa Wowowee. Tse! Alam n’yo ba kung bakit ayaw niya na mawala si Willie? Dahil mawawalan rin siya ng raket. Ha! Ha! Ha!

  4. wow! for the first time nagustuhan kita
    tita swarding! pero panget paren ugali mo
    for me!

  5. Haha, si Cristy Fermin itong bayarang sinasabi niya! At nakakaloka ha, talagang iisa na nga lang ang tabloid na pinagsusulatan nila, nagsisiraan pa. GO TITA SWARDING!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.