Pia Guanio, may ipinalit na kay Bossing Vic Sotto?!

IKINUWENTO NI OGIE Alcasid sa Startalk na bumaha ng luha sa airport nang bumalik na sa Australia sina Michelle Van Eimeren, ang asawa nitong si Mark Murrow, at ang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah.

Ilang beses nang sinasabi ni Ogie na iisang pamilya lang sila nina Michelle at sa pagpapakasal nila ni Regine Velasquez, lumaki lang daw ang pamilya nila at hindi lang daw sila ni Michelle ang magulang nina Leila at Sarah kundi pati na rin sina Mark at Regine.

Sabi nga uli ni Ogie, maaring weird daw ito sa tingin ng iba na naging close silang mag-ex-dyowa, pero ganu’n daw ang turingan nila ngayon, at lalo silang naging close na parang magkapatid na raw ang tinginan nila ni Michelle.

Kaya nu’ng pagkatapos nga ng kasal, nagbakasyon sila sa Bohol dahil gusto rin nilang ma-enjoy nina Michelle at Mark, pati ng mga anak nila ang ganda ng Pilipinas.

Maganda ang bonding nila sa Bohol kaya nu’ng bumalik na sila ng Australia, malungkot daw sila lalo na si Ogie na napaka-emotional nang ihinatid na sila.

Nagkaiyakan nga raw sina Regine at Michelle dahil malaki ang pasasalamat ng Songbird sa lahat na hirap ni Michelle nu’ng kasal nila.

May nakaplano na nga raw silang bakasyon sa Australia at sina Michelle naman ang mag-asikaso sa kanila roon.

Wish lang ngayon ng bagong kasal na sana makabuo na agad si Regine. Kung sakaling susuwertehin at mabuntis na si Regine, hindi na muna matutuloy ang honeymoon nila sa Positano, Italy. Pero kung wala pa naman, sa April daw nila itutuloy ang balak nilang honeymoon.

Nakiusap na pala si Ogie na huwag na raw gawing isyu ang ‘di pagsipot ni Sharon Cuneta sa kanilang kasal. Hindi pa pala sila nagkausap, pero ipinarating nga raw sa kanila na nagkaroon daw ng problema sa gown nito kaya hindi na ito natuloy.

Naintindihan naman daw nila ‘yun at nagpapasalamat pa rin sila kay Megastar dahil tinanggap ang alok nilang maging ninang sa kanilang kasal. Kahit hindi naman ito nakarating, okay lang daw sa kanila at wala raw isyu sa kanila ‘yun.

MAAYOS ANG PAGHAHARAP namin nina Nadia Montenegro at Mark Herras sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Ilang beses na rin namang nag-sorry si Mark at nangako na siyang magbabago na ito at magpapaka-professional na siya kaya okay na ‘yun. Sinabi ko namang hindi ko na siya bibitawan bilang isa sa mga talents ko.

Pagkatapos ng interview na ‘yun, nagdesisyon na raw si Nadia na didistansiya muna siya at baka matuloy na raw ang bakasyon niya sa Amerika. Doon na raw muna siya para magpalamig.

Ang pagkakaalam ko naman kasi riyan, medyo may tampo si Nadia kay Mark dahil hindi man lang daw siya ipinaglaban sa interbyung ‘yun.

Ewan ko lang kung ano pa ang drama nila, pero ‘yun ang huli niyang desisyon para lumamig na rin daw ang isyu.

PINAG-UUSAPAN PALA NGAYON ang tungkol sa non-showbiz boyfriend ni Pia Guanio.

Lalong lumaki ito dahil may nakakita raw kay Pia sa Shanghai kasama itong bagong boyfriend niya na Steve daw ang pangalan.

Wala pang sagot si Pia tungkol dito, at si Vic Sotto naman ay wala ring sagot dahil ang lagi na lang niyang sinasabi ay mas mabuting si Pia na lang ang tanungin.

Siguro, pareho naman silang nakapag-move on na dahil kaagad na nakakita ng kapalit si Pia.

Ang latest namang naririnig ko ngayon, mukhang nagkadebelopan na rin naman sina Gwen Zamora at Bossing Vic, pero deny rin sila.

Abangan na lang natin kung sino sa kanila ang aamin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

14 thoughts on “Pia Guanio, may ipinalit na kay Bossing Vic Sotto?!

  1. grabe naman? ang bastos naman ng bunganga mo LANI MISALUSA kasing baho ng name mo.
    look if you are a girl not like that. babae ka eh,, kung lalaki ka? babae ina mo. wala kaba ina?
    o sadyang salahula yang bibig mo, di ako fan ni pia o vic but concern ako kay pia kasi babae siya, kung ikaw mag kaganon matatake mo ba? the karma is there for you. good luck

  2. i guess,..wala ng PLANONG MAG ASAWA PA SI VIC SOTTO,,,KAAY DI RIN NYA TINULUYAN SI PIA,,E SI PIA,,NASA EDAD NA PARA MAG ASAWA NGA NA MAN PERO SANA NAMAN MAKITA NI PIA ANG TAMANG TAO O GUY NA PARA SA KANYA,,NA DI LANG SYA MAGAGAMIT BILANG BABAE….SIGURO NGA,,AYAW NA NI VIC MAG ASAA PA,,O KAYA BAKA SILA DIN N I DINA BONEVIE AT THE END,,YEHEYYY!!!1MAS OK IYON,,,,ANO BAKAYO???DI YATA GANUNG KLASE NG BABAE SI GWEN ZAMORA,,,SABI NYA NGA,,TRABAHO ALNG ANG SHOWBIZ AT WALA SYANG PLANONG MAGBILANG NG GUYS O MAGPAKASIRA LANG,,,we love gwen,,pretty at tlagang focus sa work,,

    ito namang si MARK HERAS,,kala o naman ,,,habang buhay ang showbiz,,bakit di sya magpaka proffesional,,sa dami pa naman ng higit sa kanya,,,hay nako,,sya din,,

    hay nak,,maging mabuting ama si ogie sa mga anak nya noh,,,bago si regine ,mga anak muna,,o kaya blanse,,,

    • Sey agree ako sa comment mo about Mark Herras na hindi habang buhay ang showbiz. May time na pagsawaan sila ng publiko at kailangan talaga nila magpaka professional kasi sila ang mga ini idolo ng mga karamihan at nasa showbiz sila at sa ayaw at gusto nila para na ring binabantayan ang mga kilos at ginagawa nila every minute. Gusto ko pa naman itong si Mark, ganda nyang sumayaw, very graceful.

  3. Salamat naman at natauhan na si Bossing-kay pangit pangit ni Pia Guanio-mukhang laspag at tuyot na tuyot na. Ewan ko ba, eh before bossing, may nakalive-in na siya for 6 years. He deserves someone pretty and mabait. Mayabang daw si Pia sa personal-akala mo maganda siya , eh ang pangit-pangit, walang talent and naku, napakaitim pa ng singit-nagtatawanan ang mga audience ng EB dahil laging nakamini skirt and ang itim itim ng singit at puro galis pa ang tuhod.

    • Laura, hindi ko alam na pangit pala ang ugali ni Pia, hindi ko nabasa yon before. Bago lang ba yan? I’m not her fan pero maganda sya tingnan sa buhok nya na may bangs. I think ang bangs makapa look younger sa babae. Iyan din sabi ng mister ko, pag wala daw akong bangs, matured daw tingnan yong mukha ko at i look younger daw kong may bangs. I like Bossing, i read a write up na parang blind item na suplado daw itong si Bossing. Pero gusto ko pa rin sya kasi hindi hambog at respetado naman at parang edukado.

  4. Bakit ba naman hindi mapirmi si Vic sa isang babaeng makakasama niya hanggang pagtanda niya? Papalit-palit! Kawawa lang ang susunod na mali-link sa kaniya dahil aasa lang ng aasa pero sa wala rin mauuwi! Sabagay sa dami ng anak niya sa iba ibang babae, isang katunayan iyon na hindi talaga siya mapanatag sa isa lang. Laging naghahanap ng iba-iba. Pero hanggang kailan, ha VIc? Lolo ka na nga, ganiyang ka pa rin? Siguro pag kasing edad mo na si Dolphy na idol mo, sabi mo yan, saka ka pa lang titigil at mananahimik talaga sa kung kanino man!

    • Strawberry baka pihikan at choosy lang si Vic or baka natakot na sya kasi di ba hindi naging maganda ang marriage nila ni Dina Bonevie? Na annul ba ang kasal nila ni Dina?

  5. …e di, pag nag-kaanak sila Ogie at Regine ,,,pag 10 yrs old na ang bata, 50 na sila,,, lola at lolo na ang tingin sa kanila…hmmm….madyo dilikado rin sa age ni Regine yun …….

  6. hindi nakarating si sharon sa kasal ni ogie at regine dahil yung gown na isusuot niya nasira dahil sa laki ng katawan ni sharon hapit na hapit sa kanya magmumukha siyang balyena at ayaw na ayaw ni sharon na magsuot ng puti dahil mahahalata ang dambuhala niyang katawan. kaya panay itim ang ginagamit niyan kasi ang itim nakakapagpayat ng katawan kung gagamitin mo.

    • Ay iyan ba ang dahilan kung bakit palaging naka itim si Sharon para hindi masyadong malaki tingnan? Ay ganuun ba? Akala ko favorite lang talaga nya ang color black. It makes sense now kasi may nagsabi rin sa akin noon na ang black daw maka slim tingnan.

  7. Akala ko ba si Lolit,kilalang-kilala si Bossing.Ay naku,sesemplang ka talaga sa pag-link mo kina Vic Sotto at Gwen Zamora.Nakakahiya sa mga anak ni Bossing na halos kasing-edad lang ni Gwen.Kaya niya bang iharap si Gwen at gawing madrasta sa kanyang mga anak na halos kaedad lang nila?Ito Lolit ang fearless forecast ko.Pagkahaba haba man ng prusisyon,magkakabalikan pa rin sina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

  8. Gusto ko pa rin itong si Vic maski may nag comment na isang writer na suplado raw. At least hindi hambog itong si Vic at wala silang sapawan ni Joey de Leon, you can see talaga na they respect each other. Kaya yon maraming supporters at hindi napataob ng Wowowee at ng ibang show ang Eat Bulaga. Ganda ni Pia dito at maganda rin si Gwen Zmora.

Leave a Reply

Your email address will not be published.