Pia Guanio, iniwan na ni Vic Sotto?!

MUKHANG HINDI NA tuloy ang pagsasama nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa isang sitcom sa Dos.

Uunahin na raw kasing tapusin ni Robin ang movie niya with Toni Gonzaga na medyo matagal na niyang nasimulan at hindi matapus-tapos. Ito raw muna ang kanyang aasikasuhin dahil may playdate na ito.

In her past interview, kinumpirma ni Mariel na magsasama nga sila ni Robin sa isang project sa ABS-CBN, ang Palibhasa Sikat. Excited pa nga siyang makasama ang action star na nali-link sa kanya.

Nang minsang usisain si Mariel about her sitcom with Robin, reluctant itong sumagot. ‘Yun pala, hindi pa sure ang kanilang pagsasamahang show kahit na nakapag-story conference na ang dalaga.

Ang next movie project naman ni Binoe ay Ang Tatay Kong Hoodlum na magtatampok sa kanyang anak na si Queenie Padilla. Balik-tambalan din nila ito ni Vina Morales na dating nakarelasyon ng action star. Nagtambal sina Vina at Binoe sa Ang Utol Kong Hoodlum na talagang tumabo sa takilya.

At hindi lang ito ang gagawin ni Robin. Maglalabas pa siya ng isang album. Namimili na nga raw ang aktor ng mga kanta na isasama niya sa kanyang album.

Pagkatapos ng movie niya with Toni, balak ding ibalik ng Dos si Robin para muling mag-host ng Wowowee.

Sa Wowowee unang na-link sina Robin at Mariel.

HINDI KAMI NANINIWALA na capable si Shaina Magdayao na magmaganda sa twitter tulad ng lumabas na balita.

Noong June 28, may lumabas na nasty message sa twitter account ni Shaina gayong two days na niya itong isinara.

“Poor fans…still hoping magiging sila pa?? in your dreams na lang!” and “Ang hina niyo pala e! Oo kami na ni John Lloyd anong pakielam niyo! Damn Bitches!”

Iyan ang umapir sa twitter account ni Shaina na talagang ikinagulat ng aktres. Wala siyang kamalay-malay na nagamit ang kanyang twitter account kahit na sarado na ito.

In fairness kay Shaina, never naman namin siyang nakitaan ng magaspang na ugali. Wala sa character ng younger sister ni Vina Morales na maging nasty.

In the first place, masaya si Shaina ngayon sa kanyang lovelife. Wala na siyang mahihiling pa dahil finally ay inamin na ni John Lloyd ang relasyon nila na matagal din nilang itinago noon.

TRUE KAYA NA ipina-announce pa ni Pia Guanio sa isang TV host sa birthday party ni Ruffa Gutierrez na single na siya?

Bagama’t nag-deny na si Pia na break na sila ni Vic Sotto ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyung naghiwalay na sila ng TV host comedian.

Sa nasabing party, napansin ng friend namin na panay raw ang yosi ni Pia. Eh, sa isang niyang interview ay sinabi niya na mas matutuwa siya kung hindi na magyoyosi si Vic.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

13 thoughts on “Pia Guanio, iniwan na ni Vic Sotto?!

  1. Iagree sa sinabi ni evelyn genson. ISANG HIGH CLASS NA PUTA YAN SI PIA GUANIO, PERA LANG ANG HABOL NI KAY VIC, KAILAN KAYA SIYA AALIS SA EAT BULAGA?

  2. OBVIOUS NAMAN KASI, PAG MEDYO GURANG NA, IBA NA ANG DEALINGS SAYO, LALO NA SA SEX LIFE. ADVANTAGE KASI LALAKE, DAHIL WALANG NATUTUYOT. IT’S SO NATURAL PHENOMENA, MAHIRAP TANGGAPIN BUT THATS THE REALITY OF LIFE.. KAYA SIGURADO, MAY CHIC NA BATA SI VIC. AMININ.

  3. ano ba naman yan.pag nagpakasal sina pia at bossing,magkakaroon sila ng anak.mas bata pa ang anak nila sa anak nina danica at marc pingris.tatawagin ng anak nina danica at marc na tito or tita ang anak nina vic at pia na mas bata pa sa kanya.ang gulo naman.
    bossing,balik ka na lang kay dina.siguradong di na magkakaanak si ms. d.

      • correction din, tama yung sinabi ni nicavera… tito or tita ng anak ni danica ang magiging anak ni bosing at pia… half sister / brother ni danica ang anak ni bosing at pia…

        don’t just read, comprehend…

  4. hay salamat kc bagay tlaga sila bossing at dina cila sguro para tlaga sila sa isat isa…magtigil ka pia hanap ka ng iba…dina magbawas ka ng konting timbang kc mgnda kapa rin at sure ma22wa ang mga anak nyo…para tlaga kau sa isat isa..wow

  5. wag na kasing umepal yang pia…pia hanap ka ng ka-level mo noh!
    si vic ay para kay dina @ si dina ay para kay vic! un lang un…
    kaya nga pareho silang walang successful relationships after their marriage eh, kasi para talaga sila sa isat-isa!!

  6. Hay salamat naman at hiwalay na sila.Mas gusto ko pa ring magsama hanggang sa kamatayan sina Dina Bonnevie at Bossing Vic.

  7. tsaka dapat lang na hindi nya pakasalan si pia ano sya hello…..ang daming babaeng naanakan ni vic….alam nyo ayaw ko kay pia alam mo kong sino umasta….akala mo sa kanya ang kapusot 7………ginagaya nya si kris manamit…baduy man sya pilit at lahat ng damit nya walang bagay sa kanya…tsaka hindi nya bagay mag host akala mo kong sino…..gaya ni raymond ba yan sore hindi kasi sikat akala mo sya lang nakakaalam mag englis…..eh kong hindi marunong mag englis laht ng guttiriez bobo mga nyan….wala naman sila natapos lalo na kay ruffa akala mo kong sino…..gold digger…kaya iniyawan ni llyod…..takot sya na maubos pera nya,

  8. tama ka krungkrung! wala sa isip ni bossing vic ang magpakasal. magpasakal im sure meron. jeje.. tikim lang po sya. churvah!

  9. oo nga to think n matanda n c bossing,,mukang nadala kay dina B.
    or baka naman nainip n c pia s kakaantay n alukin siya ng kasal n bossing,,,ahehehehe mukang c bossing hndi p nagssawa s mga babae,,,kaya pia if totoong break n nga kayo eh,move on n lang,,tumatanda kn din kaya maghanap kn ng bago!

  10. sa daming na link kay vic ( na puro co-host nya sa eat bulaga), wala isa man sa kanila ang nakatuluyan nya. kaya pia, huwag ka ng umasa na pakakasalan ka ni vic.. hanggang bf/gf lang ang gusto nya. lol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.