Photographer, Bugbog-Sarado

PINAGTULUNGANG BUGBUGIN ng limang kalalakihan ang isang tabloid photographer sa Tomas Morato, Quezon City pasado alas-3:00 kahapon madaling araw.

Ayon sa salysay ng photographer na si June Mystica, papasok siya sa parking ng isang establisyimento pero may nakaparadang taxi kaya huminto muna at nag-signal light.

Kasunod nito, bigla na lang may humintong kotse sa tapat niya, isang Mitsubishi Lancer na may plakang TOV 418.

Sinubukan aniya niyang kausapin ang lima pero pinagsusuntok na siya at binasag din ang salamin ng kanyang kotse.

Mabuti na lamang at umawat na ang ilang by-standers sa lugar kaya nahinto ang pagtatalo sa lugar.

Naghihinanakit naman ang biktima sapagkat wala man lang pulis o barangay tanod na rumesponde gayong limang kilometro lang ang layo mula sa lugar ng insidente.

Sinabi naman ng security guard na si Jay Pizarro na nagpakilala ang mga lalaki na tauhan sila ng isang pulitiko kaya hindi sila pwedeng galawin.

Sa ngayon, nagpa-blotter na sa Quezon City Police District (QCPD) Station 11 ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.