Photocopier Operator, Nagbigti

PATAY ANG isang 25-anyos na operator ng photocopier matapos magbigti sa Barangay South Triangle, Quezon City.

Nagbigit si Roldan Alboro sa comfort room ng pinagtatrabahuhan nitong kumpanya sa Scout Borromeo gamit ang nylon cord na ipinulupot sa kanyang leeg.

Sinabi ni SPO1 Joel Gagasa ng Criminal Investigasyon and Detection Unit (CIDU) na problema sa pa-milya ang sinasabing posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima matapos umanong maagang mag-asawa ang nakababatang kapatid nitong babae na nasa Bogo, Cebu.

Ayon naman sa pamangkin ng biktima na si Farrah Estomata, si Roldan lang kasi at ang kapatid nitong babae ang inaasahan ng kanilang pamilya na naiwan nila sa Cebu na maghana-p-buhay para sa araw-araw nilang pangangailangan.

Sa ngayon, kumbinsido naman ang pulisya na planado ang pagpapakamatay ng binatilyo base na rin sa mga nabasang text messages sa cellphone nito na ipinadala sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan na tila namamaalam na.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.