Phoemela Barranda, tibo ang bagong dyowa?!

MAGING MASAYA MAN, madrama o magulo ang lovelife ay ma-runong magdala si Phoemela Baranda tungkol sa kanyang mga dinaanang pakikipagrelasyon. Palaging ang mga tao na lang sa kanyang paligid sa buong showbiz ang nakakahalata na may kilig sa bawat kilos ng modelo at TV host. Hindi rin naman kasi ang tipo ni Phoem ang mahilig umagaw ng eksena at idispley ang kanyang karelasyon para lang siya mapag-usapan.

Ngayon nga, marami ang gusto siyang paaminin kung totoo ang tsismis tungkol sa kanya na diumano’y dahil nagsawa na siya sa ilang ulit niyang masakit na karanasan sa pakikipagrelasyon, ay T-bird naman daw ang bago niyang jowa! Hindi naman pikon si Phoem sa mga intriga, kaya masarap ding marinig ang kanyang panig tungkol sa isyung ito. Totoo ba, Phoem?

Hindi rin naman kasi nakapagtataka na ligawan at magustuhan si Phoemela ng mga tomboy, dahil malambing, kyut-kyutan at talagang malakas ang sex appeal ni Phoem. Ramp model nga kasi siya, kaya para siyang Barbie doll na Pinay version kapag seksing nakabihis. Makinis ang kayumanggi niyang kutis, maganda ang height at hindi nakakasawa ang kanyang kaseksihan. Napagkakamalan nga lang siyang suplada ng mga kalalakihan, pero mabait si Phoem.

 

KUMITA NAMAN ANG unang pelikulang pinagtambalan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, kaya sa magandang kuwento na lang ulit ng movie dapat tumutok ang mga manonood. Tigilan na ang ilusyon na baka dahil pareho naman silang libre ay pupuwede silang magkaligawan at magkatuluyan sa isang relasyon dahil magkapareha sila sa pelikulang Won’t Last A Day Witout You ng Star Cinema at Viva Films.

Parehong libre ngayon na magmahal sina Sarah at Gerald, pero nagkatagpo sila sa mga panahong ito na tagilid ang sitwasyon ng kanilang mga puso kung papasok ba sila o hindi sa bagong pakiki-pagrelasyon pagkatapos ng mga dinaanan nila?

Laging maingat si Sarah, at sa pagkikilala nila ni Gerald ay alam din naman niya ang kalibre ng sex appeal ng binata, na sobra siyang lapitin ng mga babae. Lapitin din ng mga babae ang ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz, kaya ayaw muna siyempre ng Pop Princess na ang susunod niyang maging boyfriend ay habulin din ng mga babae.

Honest si Gerald sa pagsasabing close na sila ni Sarah, at bilib siya sa pagmamahal ng singer-actress sa kanyang career ganu’n din sa kanyang pamilya. Pero hindi rito isyu kung gusto o ayaw niya si Sarah. Ang klaro ay ang lumalabas sa mga kilos at pananalita ng aktor, na may kurot pa rin sa puso niya hanggang ngayon ang paghihiwalay nila ni Kim Chiu. Kaya nga ang pakiusap niya kay Xian Lim, kung talagang nililigawan ni Xian si Kim ay ingatan nito ang kanyang ex-girlfriend.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Phoemela Barranda, tibo ang bagong dyowa?!

  1. shebie, ikaw ang cheap! at pipila talaga ako sa cinehan paglabas ng movie na wladwy kasi may pera ako, may pambayad ako ng ticket di kagaya mo kunwari ayaw manood pero ang totoo wala naman palang pambayad! haha! para kang isang asong ulol ng ulol, wala ka pa ba makain? opps! wag magkalat dito..  :))

  2. FLOP FOR SURE YANG PELIKULA NI “FEELING BASKETBALL SUPERSTER” AT “FEELING POPSTAR”………..HAHAHAHA…………YUNG TITLE KASI EH WALA NA NAMANG KINALAMAN SA STORY NG PELIKULA……………MGA CHIMAY, PILA NA AT IWANAN NA ANG MGA LUTUIN AT LABADA DAHIL ANG IDOL NYONG SI SG AY PAPALAOT NA NAMAN SA KAWALAN………HAHAHAHA………….YUCK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. ANG JOWA BA NI PHOEMELA EH C MALOU SANTOS??? BWAHAHAHAHA..KHIT KUMABET PA CYA SA DOM OR SA KAHIT KANINO EH DI NA NAKAKAGULAT YUN KC PAKAWALA NMAN CYA AT SABOG NA ANG MGA BUTAS SA KATAWAN. TIRA-TIRAHAN NA LNG NA PARAUSAN. BWAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.