Phoemela Barranda, next victim ng pagtataray ni Kris Aquino?

NGAYONG ARAW NA ito ang dapat ay unang araw nang suspension ng MTRCB para sa programang Showtime nina Vhong Navarro, Kim Atienza, Vice Ganda at Anne Curtis.

Ayon kay Miss Consoliza Laguardia, kailangan umanong tumupad ang ABS-CBN sa naging desisyon ng MTRCB.

“Honestly, nalulungkot ako dahil nanonood din naman ako ng Showtime, pero may batas tayong dapat sundin.

Nakagawa sila ng violation dapat lang na tanggapin nila kung ano ang kaparusahan nu’n.” Pahayag ni Laguardia na nagsabi pa rin sa Pinoy Parazzi na hindi siya “takot” sa nakaambang demandang isasampa sa kanya ng Dos sa Ombudsman, dahil una at higit sa lahat, malinis ang kanyang kunsensiya, maging ng buo nilang tanggapan sa kung ano ang kanilang ipinaglalaban. “Iginagalang ko kung idedemanda nila ako dahil sa naging desisyon ng MTRCB para sa suspension ng Showtime. Magkikita kami sa court, kung ‘yun ang gusto nila. Pero personally, wala akong galit sa kanila,” pagdidiin pa ng aming kausap.

Samantala, tungkol naman sa “pagluwa” ng boobs ni Anne Curtis na nangyari sa taping ng ASAP XV sa Boracay kamakailan, sinabi ni Miss Laguardia na sa ngayon ay wala silang magiging hakbang dahil ‘yung eksena nang pagkakatanggal ng bra ni Anne ay hindi pa raw naipalalabas sa telebisiyon.

“Kapag inilabas iyon, du’n lang siguro kami kikilos. Pero so far, wala pa namang ganu’ng pangyayari kaya hindi ako puwedeng mag-react,” sabi pa ng aming kausap.

Sa kabilang banda, mukhang “nanganganib” na naman ang Wowowee ni Willie Revillame dahil paikli nang paikli na naman ang suot ng kanyang mga dancer na animo’y nasa loob ka ng beerhouse sa katanghaliang tapat.

“Hindi muna ako makapagko-comment tungkol sa bagay na iyan. Sa ngayon, wala pa naman tayong natatanggap na reklamo laban sa kanila. Pero kung may magrereklamo, du’n lang tayo kikilos.” Pagwawakas pa ni Miss Laguardia, ang MTRCB chairman na may pinakamatagal na serbisyo sa nabanggit na tanggapan.

MARIING ITINANGGI NI Phoemela Barranda ang balitang siya na ang “next’ na tinatarayan ni Kris Aquino sa programang The Buzz. Ayon kay Phoem, totoo raw na kung minsan ay nagbibigay-suggestion sa kanya si Kris, pero hindi raw niya iyon minamasama dahil bukod sa kaibigan niya si Tetay ay malaki ang paggalang niya rito.

“Alam ko naman na hindi ako bibigyan ng suggestion o pupunahin ni Kris kung hindi niya ako itinuturing na kaibigan. Kaya very vocal siya sa akin, dahil mahalaga ako sa kanya.” Tuluy-tuloy na pahayag ni Phoem na nakausap namin sa contract signing ng bago niyang commercial na Hung Out, isang food supplement.

Sa kabilang banda, inamin ni Phoem na pansamantalang sarado ang kanyang puso pagdating sa pag-ibig.

“Mas mabuti na siguro ‘yung ganito, mas mabibigyan mo ng oras ‘yung work,” na ang tinutukoy ni Phoem ay ang dati niyang katipan na si Ira Cruz, na matagal na rin niyang minahal. “Pass muna ako sa lovelife!”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

16 thoughts on “Phoemela Barranda, next victim ng pagtataray ni Kris Aquino?

  1. KAYA SI NONOY SINGKWENTA NA NINDI PA MAKAPAG ASAWA EH DAHIL WALANG BABAENG MAY GUSTONG MAGPAKASAL SA KANYA KAPAG NABUKING NA KUNG ANO TALAGA SYA.

    ANO BA TALAGA? EH DI ABNORMAL NOYNOY OR ABNOY FOR SHORT.

    KUNG WALANG DEPERANSYA SA UTAK YAN, DI PINAG-AGAWAN NA YAN NG MGA BABAE. GETS NYO.

    NAPAKASIMPLENG IPALIWANAG.

  2. ETO ANG TUTOO:

    ANG TANONG: KAILAN MO PINAPATAY ANG IYONG TV?

    ANG SAGOT: KAPAG KUMAKANTA NA SI WILLIE REVILLAME, OR SABAY LIPAT SA GMA PROGRAM.

  3. Maski saang anggulo tignan, walang kasalanan ang Showtime as a whole kaya hindi ito dapat suspendihin. Ang patawan nila ng parusa ay ang hosts ng mga Eat Bulaga na madalas ay gumagawa ng electioneering dahil sa pangangampanya sa telebisyon ng kandidato nilang si Tito Sotto at maging Anjoy Yllana na tumatakbo sa Paranaque. Simple sila kung bumanat pero hindi tanga ang mga viewers sa kanilang pinag gagagawa. MTRCB at Comelec magtrabaho kayo ng tama dahil sa taong bayan nanggagaling ang pinapasuweldo sa inyo. Ang kakapal nyo!!!!!!!

    • KOREK! BAKIT BA MASYADONG MAINIT ANG MGA MATA NILA SA SHOWTIME EH KASALANAN NAMAN YUN NI OSANG NA WALANG CLASS NA SUMIKAT LANG DAHIL NAGHUBAD SA MOVIES NIYA.
      ANG TANONG: MAGKANO ANG BINABAYAD NG GMA KAY GUARDIA PARA PALAMPASIN NIYA ANG MGA NANGYAYARI SA EAT BULAGA?

      • Institusyon ang Eat…Bulaga! Isa ito sa mga haligi ng telebisyong Pilipino. Kaya tumahimik ka na!

  4. bakit ung mga eb babes halos nakahubad na misan nakikita na nga ung mga pwet hindi nyo binibigyan ng warning, si Joey sa eat bulaga ung henyo cinisigaw p nya na parang nagmumura, tas lantaran p nilang iniindorso si tito sotto db bawal yan?! palibhasa wiling wili kau sa panonood ng showtime at wowowie eh!

  5. SANA NEXT TIME MAY SENSE NAMAN MR. MORLY ANG SHOWBIZ NEWS KASI NA KAKA WALANG SENSE BASAHIN, WASTE OF TIME!

  6. Please leave Kris Aquino in peace – this is the start of the holy week. This is the time to renew our commitment not to sin. Let us not use her to put the candidacy of Noynoy Aquino down. What harm did Kris and Noynoy did that some people love to fabricate stories again them! Please have peace in your heart god will raise you up if you humble yourself.
    PEACE BE WITH US ALL AS WE CELEBRATE THE HOLY WEEK & KEEP NONOY AQUINO IN YOUR PRAYERS TO BE THE INSTRUMENT OF GOD TO SAVE US ESPECIALLY LIKE ME OFW FOR MORE THAN 20 YEARS THAT IS SICK AND TIRED OF STRUGGLE IN FOREIGN LAND.

    • UMPISAHAN MO SA SARILI MO… KUNG SICK AND TIRED KA NA DIYAN UMUWI KA NA AT MAGBUNGKAL KA NA NG LUPA SA HACIENDA NINA KRIS.

      BAKIT KAILANGAN MONG ISISI SA LAHAT ANG PAGIGING OFW MO. OFW RIN KAMI PERO IT’S OUR CHOICE.

      • KOREK! HINDI KA PALA MALIGAYA SA TRABAHO MO DYAN BAKIT DI KA PA UMUWI? SISIHIN BA NAMAN ANG IBA DAHIL SA KANYANG PREDICAMENT, BOBA TALAGA! OY, HINDI NA MAGBABAGO ANG PINAS KAHIT PA SINO PA ANG MAUPO DYAN DAHIL SA MINANANG UTANG KAYA LUBOG NA LUBOG SA UTANG ANG PINAS. MAG-ASAWA KA NA LANG NG ARABO O HAPON KUNG SAAN KA MAN NAROON. :-)

    • Sorry, my dear. Pero kahit ‘nung panahon ng mga Amerikano eh marami pa ring Pinoy na umaalis. Amerikano na ‘yan, ha? Kaya wag mo’ng sisihin gobyerno kung hindi mo kayang paunlarin sarili mo sa sarili mong bayan.

  7. yang si laguardia eh bilang na ang mga araw sa mtrcb.
    co-terminus lang naman ang nakaupo jan at siguradong pag si noynoy ang nanalo, unang-unang titigbakin ang bayarang chairman na yan.
    kaya siguro, nagpalabas na naman ng bagong suspension order para ma-please niya ang mga amo niya sa kabilang istasyon!
    ulol ka laguardia, isama mo na rin si alfie lorenzo!

  8. TONG MTRCB, PAG ALA DAW NAGREKLAMO SAKA KIKILOS. KAHIT NA PALA MGA HUBOT HUBAD NA KUNG ALA COMPLAIN, NATUTULOG PA RIN SIYA. MAY KINIKILINGAN KASI. OBVIOUSLY.
    SI ANNE, LOOKS LIKE TIPSY OR WHAT.. KASI DURING HER DANCE AT BINUHAT NI SAM, LAGLAG NA BRA NIYA. MEANS LONG SECONDS NG GANON? MEAS MARAMING SHOT NG CELL PHONE IN MANY ANGLES?

Leave a Reply

Your email address will not be published.