Phoemela Barranda, nahiwalay na naman sa itinagong anak

Phoemela-BarrandaISA SA mapalad na nakasama sa Pinoy Big Brother All-In ay ang matagal nang itinagong anak ni Phoemela Barranda na si Nichole.

Lumaki si Nichole na alam ay nakatatandang kapatid lang niya si Phoemela. Noong pumanaw ang lola na siyang nagpalaki sa kanya, saka lang niya nalaman na ina niya pala si Phoemela.

Kung kailan daw nagiging close na si Phoemela sa kanyang anak na si Nichole, doon pa raw ito biglang mawawalay sa kanya dahil nga pumasok ito sa Bahay ni Kuya.

Nagawa lang daw itago ni Phoemela ang katotohanan dahil nasa peak siya ng kanyang modelling career nang mabuntis. Ang ina nito ang nagsabi na itago na lang ang tunay na katauhan ni Nichole para walang maging problema sa career nito.

Fifteen years ding naitago ni Phoemela ang katotohanan at last year lang siya nagkalakas ng loob na ibunyag ang lahat.

Ginawa naman ni Phoemela ang lahat para makabawi sa kanyang anak at unti-unti na nga raw silang ngkaroon ng magandang bonding bilang mother and daughter.

Pero dahil nga natanggap sa PBB ang anak na si Nichole, 100 days silang magkakahiwalay na ikinalungkot ni Phoemela.

Sa isang banda naman ay natuwa na rin si Phoemela dahil sinabi sa kanya ng anak na gusto nitong mahanap ang sarili at sa pamamagitan nga naman ng pakikipag-interact nito sa ibang housemates ni Kuya, mas magiging kumpletong tao ito pagkatapos ng contest.

Ang bansag kay Nichole ay “Sweet Revelation ng Makati”.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.