Phoemela Barranda, may idine-date na tibo?!

LAST SATURDAY, JANUARY 8, nag-sponsor ng isang exclusive screening ng pelikulang Rosario sa MyCinema ng Greenbelt 3 sa Makati City ang Gift Gate owner at Swatch exclusive distributor dito sa Manila na si Tita Virgie Ramos para magbigay ng suporta sa kanyang mga kaibigang sina Manny Pangilinan at direktor ng nasabing pelikula na si Albert Martinez.

Siyempre, present si Albert kasama ang kanyang maybahay na si Liezel Martinez at kanilang mga anak na sina Alyanna at Alyssa Martinez.

Nakita rin namin ang younger sister ni Mikee Cojuangco-Jaworski na si Mai Mai Cojuangco na napaka-simple, gaya ng kanyang Ate, pero sophisticated at elegante pa rin ang dating at beauty nito.

Naroon din para sumuporta ang favorite endorser ni Tita Virgie, ang simpatikong si Derek Ramsey minus his girlfriend Angelica Panganiban na talagang napaka-polite at mabait. Ang alam nga namin, nang pumunta ang mag-d’owa sa South Africa last year, pinabaunan pa ni Tita Virgie ang dalawa ng pocket money.

After the screening, agad namang tumungo si Derek sa wake daw ng isa sa parents ng kanyang bestfriend.

Habang naglalakad kami sa Greenbelt 3 pa-punta ng cinema, nakasalubong namin ang model-turned-TV personality na si Phoemela Barranda habang nagte-text. In fairness, maganda si Phoem kahit walang make-up.

Isang lesbian ang kasama ni Phoem that night. Ito kaya ang napapabalitang ka-relasyon diumano n’ya? Well, what’s wrong with that? Kung masaya naman si Phoem o silang dalawa at wala silang tinatapakang ibang tao o sinasaktan, ‘di ba? Then, go, girl!

INILIPAT NA RAW sa regular room from Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine Heart Center ang komedyanteng si Eagle Riggs na nagka-mild stroke last week.

Hangad pa rin namin ang mabilis na paggaling ni Eagle para patuloy pa rin s’yang mapanood sa teleseryeng Sabel.

AS OF SUNDAY evening pala, umabot na sa P105M ang kinita ng Dalaw ni Kris Aquino, ayon sa manager at co-producer nito na si Deo Endrinal nang makasabay naman ito sa elevator ng ABS-CBN.

Tinanong namin si Deo kung anong next movie project ni Kris. Ang chika nito, may isang pelikula pa raw na kailangang tapusin ang TV host-actress para sa Star Cinema this year bago pa maumpisahan ng huli ang movie nito with Dingdong Dantes, hopefully in October, na iko-co-produce ng kanilang film production with GMA Films.

Kapag nagkataon, baka ‘yon daw ang maging Metro Manila Film Festival entry ni Kristeta sa December. Kung hindi naman ay baka sa first quarter of 2012 pa raw ‘yon ipalabas. Pero ang lahat daw ay depende pa rin sa materyales o script.

Sa balitang lilipat naman si Deo mismo sa TV5, kahit na blocktimer lang, mariin pa rin n’yang pinabulaanan ito at sinabing, “Hindi ko talaga alam kung saan galing ‘yon. Hindi ‘yon totoo. Not at all,” pagtatapos nito.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.