Phoemela Barranda, ‘di na babalikan si Ira Cruz ng Bamboo

PROBABLY THE STRANGEST part in breaking loose from a relationship is seeing no closure to it.

Ganito ang kaso ng limang taon ding relasyon ni Phoemela Barranda kay Ira Cruz ng grupong Bamboo that ended last December 2009. Ayon kay Phoem, wala naman daw third party involved sa kanilang break-up, neither on either side.

Pero para kay Phoem, tapos man ang naturang relasyon ay mahalagang mag-usap sila ni Ira, hindi para magkabalikan kundi magturingan na lang bilang magkaibigan. Phoem has the best of intentions, hindi na siya para maghabol kay Ira kahit balitang binalikan nito ang dating nobyang si Mylene Dizon. Reconciling with Ira seems all the more remote dahil meron na rin naman siyang special someone, an interior designer named Chico Cristobal who also has a passion for music tulad ni Ira.

BY STRICT CALCULATION, two months, one week at one day ngayong araw ang buhay ng nasa sinapupunan ni Judy Ann Santos by her husband Ryan Agoncillo.

Nitong Biyernes nga bandang tanghali nang makumpirma mismo ng mag-asawang Ryan at Judai ang resulta ng ultrasound test, along with a photo of the two-month old fetus yet of undetermined gender. Ryan made the announcement on Eat… Bulaga! na bago ‘yon ay nagpalaro muna ng kanyang version ng Pinoy Henyo (minus flash card on the guesser’s forehead).

Hindi pa man ay nagprisinta nang ninong si Joey de Leon sa magiging binyag, na ayon sa TV host-comedian ay ipinagbubunyi ng Channels 2, 5 at 7.

Nagkataong nasa Nasugbu, Batangas si Mommy Carlo Santos who just got an excited call from Judy Ann. Pero nauna palang makita ng adopted daughter nina Ryan at Judai na si Yohan ang larawan ng sanggol na nais nitong dalhin sa eskuwelahan upang ipagmalaki sa kanyang mga kamag-aral.

Prior to Judai’s confirmed pregnancy, matagal nang kasado ang European trip ng mag-asawa. Pero kung si Tito Joey at mga co-hosts niya sa Startalk ang tatanungin, mas magandang ipagpaliban daw muna nina Ryan at Judai ang kanilang biyahe most specially that it’s Judai’s firstborn.

IF DRA. VICKI Belo has earned the distinction of being the “doctor to the stars,” puwede namang taguriang “supporter to the political stars” si Mother Lily.

Tonight, the Regal Matriarch hosts a dinner for Senator Bong Revilla in his re-election bid. Minsan nang tinanong si Bong kung may lihim silang alitan ni Mother Lily sa tuwing sasapit ang Metro Manila Film Festival. Bong’s own Imus Productions has always been a box-office winner, kaya sila naiintriga ng Regal producer. Pero laging itinatanggi ‘yon ng senador, never has there been bad blood between them at hindi magkakaroon kailanman.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Phoemela Barranda, ‘di na babalikan si Ira Cruz ng Bamboo

  1. OK ARTICLE MO NGAYON. walang negative write ups…ganyan ka dapat para naman di nakakasuyang basahin ang article mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.