Phl-Malaysia, Palalakasin ang Border Patrols

LALO UMANONG hihigpitan ng Pilipinas at Malaysia ang gagawing pagbabantay sa mga border, kasunod nang nangyaring “standoff” sa isla ng Sabah.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Emmanuel Bautista na mismong ang Malaysian authorities ang nanawagan sa pamahalaan ng Pilipinas na paigtingin pa ang pagsagawa ng patrols para maiwasang lumala pa ang insidente.

Ayon pa sa opisyal, nakahanda umano ang sandatahang lakas ng bansa na tumulong para ma-contain ang sitwasyon sa Sabah.

“Ours is to help them contain the situation. They requested us to patrol our borders as they will also patrol their side of the borders to prevent illegal entrance, so that it will not further complicate the situation. They are going to address peacefully the situation there,” ani Bautista.

Samantala, una na ring iginiit ng Department of National Defense na hindi “sanctioned” ng Philippine government ang pagpasok ng may 100 miyembro ng “royal army” ng Sultanate of Sulu sa nasabing isla sa Borneo.

Sa panig naman ng Palasyo, una na ring sinabi ni deputy presidential spokesperson Abegail Valte na bahala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipag-ugnayan sa Malaysian authorities para sa payapang resolusyon ng “standoff”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.