Philippines, 4th sa Miss U

ITINANGHAL ANG pambato ng Pilipinas na si Ariell Arida bilang Miss Universe 2013 third runner-up o pang-apat sa Top 5 finalists.

Naiuwi naman ni Miss Venezuela Gabriela Isler ang korona sa coronation night na ginanap sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia.

Unang nakapasok sa Top 16 si Arida kasama ang mga pambato ng Costa Rica, Ukraine, China, Ecuador, Great Britain, Indonesia, Venezuela, Dominican Republic, Puerto Rico, Spain, USA, Nicaragua, Switzerland, India at Brazil

Sunod na rumampa ang Pinay Pride suot ang red bikini sa swimsuit round at umabante sa Top 10 kasama sina Miss Spain, Great Britain, India, Brazil, USA, Ukraine, Ecuador, Venezuela at Dominican Republic.

Matapos nito, ipinarada ni Arida ang yellow Alfredo Barazza dress sa evening gown segment ng pageant.

Matagumpay na nasundan ng ating pambato ang yapak nina Janine Tugonon, first runner-up sa Miss Universe 2012; Shamcey Supsup, third runner-up sa Miss Universe 2011; at Venus Raj, fourth runner-up sa Miss Universe 2010, sa pagpasok niya sa Top 5 at pagharap sa Question and Answer portion.

Sa tanong ni Tara Lipinski, “What can be done about the lack of jobs for young people starting their careers around the world?”

Sagot naman ng Pinay, “For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education and that is my primary advocacy, because we all know that if everyone of us is educated and well aware of what we are doing, we could land into jobs and we could land a good career in the future. Education is the primary source and ticket to a better future.”

Matapos ang naturang patimpalak, inihayag ni Arida na umaasa siyang napasaya pa rin niya ang mga kababayan, lalo na ang mga biktima ng Bagyong Yolanda. Una na niyang sinabi na iniaalay niya sa mga ito ang laban.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang pamunuan ng Miss Universe sa mga biktima ng nasabing kalamidad.

Samantala, pinagkaguluhan din ang Pinay beauty ng mga kapwa Pilipino matapos ang pageant.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.