Philip Salvador got mad with a movie reporter!

MATAGAL NA NAMING kilala si Philip Salvador at ni minsan ay hindi namin nakitang nagalit ito. Kasi sa totoo lang, kung meron mang malambing at laging masayang kausap ay si Ipe iyon. Kaya laking-gulat namin nang mapansin naming nagtaas ito ng boses habang kinakausap siya ng ilang TV crew sa awards night ng Enpress.

Ang dahilan, hindi pala nagustuhan ng aktor ang ilang tanong ng isang TV crew na sa simula pa lang, pinaunahan na ng aktor na huwag pag-uusapan ang nasabing maselang topic.

“Kilala n’yo ako, mabait ako pero hindi naman yata tama ‘yung ginawa niya. Wala siyang respeto!” Sunud-sunod na sabi ni Kuya Ipe, na amin namang naintindihan.

Sa totoo lang, sumasagot si Kuya Ipe, gaano man kainit at kasensitibo ang isang topic, pero in a nice way dapat iyon sabihin o itanong ng isang reporter. Pero hindi naman namin sinasabing mali ang pagkakatanong kay Kuya Ipe, kaya ito nag-react.

Kumbaga, siguro, iniiwasan lang ni Kuya Ipe ‘yung mga bagay na alam niyang hindi makabubuti sa bawat kampo. Ayaw na niya kasing pagpiyestahan pa ng mga tao sina Joshua at Kris Aquino, dahil tahimik at maayos na ang lahat.

Sa tingin namin, wala namang intensiyon ang reporter na nagtanong kay Philip na bad tripin ang aktor, nagkataon lang na hindi nito nagustuhan ang pagkakatanong.

Nang mag-react si Kuya Ipe, si Malou Fagar ang nakipag-usap sa nasabing reporter. Knowing Malou, Miss Friendship ito sa movie press, na siguro kung wala si Miss Fagar nang gabing iyon, lalong ‘nagliyab’ sa galit si Kuya Ipe na first time naming nakitang nabuwisit. Tsuk!

NILINAW NI ANGELICA Panganiban na isinarado na niya ang Twitter account niya, matapos siyang maeskandalo at maintriga. “Tama na, ayoko na. Sa tingin ko, hindi na siya friendly kaya stop na muna ang pagtu-twit ko. Fee-ling ko, hindi na maganda.”

Ayon kay Angelica hindi na niya itutuloy ang pagdedemanda du’n sa taong nagsalita sa kanya nang hindi maganda. “Paano ko pa siya maidedemanda, eh wala na siya. Isinara na niya ang kanyang account, kaya sino pa ang idedemanda ko, ‘di ba?”

Samantala inamin ni Angelica na sa ngayon ay nasa Boracay ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. “Nasa Boracay siya ngayon kaya hindi ko siya kasama at naku, nakakaloka na, ha, ‘pag may lumabas na namang intriga na may babae siya sa Bora like du’n sa Dumaguete. Hahaha!

Ayon kay Angelica, in five years of relationship, kilalang-kilala na niya si Derek. “Kasal? Naku! Huwag muna. Hindi namin iniisip iyan basta ang mahalaga, masaya kami ni Derek sa kung anumang meron kami ngayon.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “Philip Salvador got mad with a movie reporter!

  1. @laikabaito1227, ay marami palang kasong estafa itong Ipe na ito? Hindi ko alam yan ah, anong klaseng estafa ang mga ito, hindi ko kasi siya sinubaybayan kasi parang wala kasi akong care sa mga taong hindi lumingon ng responsibility sa buhay,. Salamat laikabaito1227.

  2. @maria Kung tatakbong si Ipe, nakupo baka magnakaw lang yan. remember marami syang kasong estafa. nakakahiya ang tulad ni Ipe.

  3. Walang modong tao igong si Ipe, anong klaseng ama kang tumalikod sa sariling anak, baka dahil si Josh special child kasi at baka din, nahiya sa mga press baka tanungin kung bakit hindi sya nagbigay ng financial support at hindi naman sya mahirap, may knikita pa naman sya sa pagiging actor nya or baka tanungin sya na maski walang financial bakit hindi man lang ito nagpakita at nakipag bonding kay Josh for years. Irresponsible ang taong ito kaya kong mag politiko ito, hindi ito magandang example, hindi nga nya hinarap ang responsibilidad nya sa tunay nyang anak, ano na lang kaya ang mga responsibilidad nya sa pagka politiko?

  4. Kahit saan tignan malaki ang kasalanan ni Ipe sa anak niya kay Kris, wala akong kiilalang ama na tinalikuran ang anak. Hindi lang naman financial ang kailangan ng bata, napakaraming showbiz couples na naghiwalay pero hindi nila nilayo ang sarili nila sa mga anak nila. Ito lang ang masasabi ko wala syang kwentang ama, buti nalang nagkaroon ng magaling at mabuting Ina si Josh. Kung ayaw ni Ipe na pag-usapan ang anak niya huwag nalang syang mag-artista, oo nga pala has been na nga pala si Ipe. lol

  5. ayaw nyang pag usapankc baka singilin sya sa child support kay josh…o baka naman tuluyan na nyang tinalikuran ang bata…naku love ko yan si ipe kc mabait naman yan eh kaso w ako bilib sa di nya pag punta sa grad ni josh kc minsan lang yan mangyari di ba

  6. bakit nman ganon c philip salvador AYAW b nyng pagusapan c josh grabe nman c ipe dapat nga cyang ama mismo ang gagabay k josh kc alam nman ny ang kalagayan ng anak ny. khit ayaw n kris n huminge ng tulong s kanya MAGKUSA CY. minsan kc tama ang kasabihan MADALING MAGING AMA PERO MAHIRAP MAGPAKA AMA. sabagay bk may dahilan c ipe kaya ganyan cy, hanga ako k kris pagdating s pagaaruga s mga anak ny.

  7. I agree with laikabaito1227. Philip Salvador is a deadbeat dad. Kung dito sa US iyan, marami nang utang si Philip kay Kris Aquino. Baka lahat nang kinita niya, kay Kris Mapunta. Our child support laws require a parent who has no custody of the child to pay child support from birth to 18 years old or if he/she is still in school. Pasalamat si Salvador at nagkaroon ang kanyang anak nang isang ina na katulad ni Kris who is so concerned abour her children’s future. She, to me is the perfect mom. God bless Kris. Matagal nang nagtatago si Philip Salvador. Ang galing niyang umiwas sa responsibilidad. Wala akong respeto sa isang taong katulad niya. That is the main reason why he is very defensive. Guilty kasi. WHAT A DEADBEAT DAD.

  8. Guilty kasi sya dahil hindi man lang niya dinadalaw ang anak niya kay kris, Naka graduate ang bata ni hindi man lang niya sinilip sa graduation day.

Leave a Reply

Your email address will not be published.