Philip Salvador, allergic to Kris Aquino’s name?!

SIPAT: Nag-PULLOUT na raw ang ilang ADVERTISERS sa WILLING WILLIE?!

EKLAT: NO PROB! DAMI pang NEGOSYO si MVP!

SIPAT: DEDMA lang si WILLIE REVILLAME sa mga ADVERTISERS na ‘yan.

EKLAT: Ang DAMI namang MAHIHIRAP na TUMATANGKILIK sa kanya, ‘no!

SIPAT: WALA namang MASAMA sa MACHO DANCING ni BAGETS.

EKLAT: Nagka-MALISYA lang, kasi SHOW ni PAPI!

SIPAT: PROUD naman ang PARENTS ng BAGETS sa TALENT nito.

EKLAT: Kaya pala ini-EXPLOIT, este, ini-EXPLORE pa nilang lalo!

SIPAT: KAPATID na rin si AGA MUHLACH.

EKLAT: HINDI kaya maging DOS na ang SINGKO?

SIPAT: Bakit sa KAPUSO walang LUMILIPAT na KAPAMILYA?

EKLAT: HINDI AFFORD ang TALENT FEE?

SIPAT: BUNTIS na raw si REGINE VELASQUEZ!

EKLAT: Natural, may ASAWA siya, ‘no!

SIPAT: PINAGMUMURA ni DINGDONG DANTES ang isang STAFF ng TV CREW dahil PINAKIALAMAN nito ang GAMIT niya sa BAHAY?

EKLAT: VERY MARIAN RIVERA, este… VERY UNLIKELY naman ‘yan!

SIPAT: HINAMON ng SUNTUKAN ni PHILIP SALVADOR ang STAFF ng TV CREW nang TANUNGIN siya about KRIS AQUINO?

EKLAT: Kung TUNGKOL kay CRISTINA DECENA kaya ang TANONG?

SIPAT: AYAW pala ni KUYA IPE na NABABANGGIT ang PANGALAN ng DALAWA.

EKLAT: KRIS AQUINO… CRISTINA DECENA… KRIS AQUINO… CRISTINA DECENA…

SIPAT: TV STAR na rin ang RADIO JOCK na si PAPA JACK!

EKLAT: Mas OKEY siyang PAKINGGAN kesa PANOORIN…

SIPAT: ‘GRABE ang BACKBITING ni SOSYALERANG AKTRES kay SINGER-ACTRESS! To THINK na mag-BESTFRIEND sila, huh!’ sey ng ating MAHADERA.

EKLAT: ‘PINAGMUKHA kasing ALALAY si SINGER ni SOSYALERA, kaya BAD TRIP ito sa MATALIK na KAIBIGAN niya!’ tsika pa ng ating Mahadera.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Philip Salvador, allergic to Kris Aquino’s name?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.