PhilHealth Ipinakilala ang ‘Crowdsourcing for Health’ Initiatives

BILANG SUPORTA sa programang Kalusugan Pangkalahatan, ipinakikilala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa unang pagkakataon ang ‘Crowdsourcing for Health’ initiatives sa pamamagitan ng paggamit ng GoogleMaps upang mapakinabangan nang husto ang benepisyong maibibigay ng social networking platform. Hinihikayat ng PhilHealth ang online crowd na tumulong upang mailagay sa mapa ang lahat ng health facilities sa buong bansa.

“Kinikilala namin ang malakas na presensya ng mga Pilipino sa larangan ng internet. Umaasa ang PhilHealth na makuha ang kanilang suporta upang mailagay namin ang lahat ng health facilities sa online na mapa. Sa ganitong paraan, maipapakita ng PhilHealth ang mga datos sa lahat ng mga pasilidad para maayos na maiparating ang impormasyon sa publiko tungkol sa serbisyong maaaring ibigay ng mga pasilidad bilang katuwang ng PhilHealth. Kami ay naniniwala na ang mas nakaaalam at matatag na mamamayan ang susi tungo sa mas maayos na mga serbisyong pangkalusugan,” wika ni Dr. Eduardo P. Banzon, ang Pangulo at Punong tagapagpatupad ng PhilHealth.

Sa pagkakapantay-pantay ng libreng serbisyo ng Google Map Maker, iniimbitahan ng PhilHealth ang mga mamamayan na umpisahan ang pagsasama-sama ng pampubliko at pampribadong health facilities sa online na mapa. Ang mga nasabing pasilidad ay maaaring ospital, paanakan o lying-in centers, pampribadong mga klinika, pampublikong sentro ng kalusugan, dialysis centers, pharmacies, laboratories, blood banks at iba pang health facilities na maaari pang idagdag.

Kung hindi mailagay ang isang health facility sa Google, maaaring gamitin ang open source-based na OpenStreetMap.org. “Layunin naming hikayatin ang mga mamamayan na sumali sa programang Kalusugan Pangkalahatan. Hindi kinakailangang maging health professional. Ang kailangan lang ay ang kagustuhang sumali sa bayanihang ito,” ani Dr. Alvin Marcelo, ang  Chief Information Officer ng PhilHealth.

Ang mga interesadong maging crowd-sourcer ay hinihikayat na makapaglagay ng mas maraming health facilities gamit ang Google MapMaker sa www.google.com/mapmaker o sa OpenStreetMap sa www.openstreetmap.org. Maglalagay ang PhilHealth ng summary ng mga pasilidad-pangkalusugan sa mapa na makikita sa official website nito sa www.philhealth.gov.ph sa ilalim ng Online Services.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.