PhilHealth Cards Magagamit Pa Rin Sa Infirmaries

NILINAW NG Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang PhilHealth cards ay maga-

gamit pa rin sa mga pasilidad pangkalusugan na maaaring ma-reclassify bilang infirmaries o clinics.

Ang nasabing paglilinaw ay tugon sa pahayag ni Dr. Rustico Jimenez, Pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines na nangangambang mababale-wala ang PhilHealth cards sa mga infirmary kung ipatutupad na ang bagong hospital classification policy na nakapaloob sa Administrative Order 12 ng Department of Health.

Iginiit ng PhilHealth na ang lahat ng mga pasilidad na binibigyan ng lisensya ng DOH ay awtomatikong ina-accredit ng PhilHealth.

“Sakaling ma-reclassify ang isang ospital bilang infirmary, ang kanilang PhilHealth accreditation ay mananatili at sasang-ayon sa bago nitong klasipikasyon,” ani Dr. Eduardo P. Banzon, Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth.

Tiniyak ni Banzon na agad silang gagawa ng kaukulang hakbang para makabuo ng karampatang benepisyo para sa mga infirmary para matiyak ang walang patid na pagkakamit ng benepisyo ng mga miyembro at maging tuluy-tuloy ang claims payments nito sa mga infirmary ayon sa adjusted service capability nila.

Ayon pa kay Banzon, welcome development ang nasabing hospital classification dahil lalo pa nitong patataasin ang kalidad ng serbisyo ng mga pasilidad pangkalusugan sa bansa.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.