Philhealth Card Ipinamahagi sa mga Navoteño

HIGIT SA isang libong mahihirap na residente ng lungsod ng Navotas ang ipinamahaging Philhealth cards sa pangunana ni Navotas Mayor Mayor John Rey Tiangco at ng mga Philhealth Advocates mula sa Philhealth – National Capital Region (NCR) at Department of Health (DOH) sa Navotas Sports Complex para sa Philhealth MOVES (Mobile Orientation, Validation and Enrollment Scheme) kamakailan.

Ayon kay Dr. Shirley Domingo, Vice President ng Philhealth NCR, layon ng naturan pagdiriwang at para turuan at itaguyod ang kaalaman ng mga programa ng Philhealth at mga batayan at karapatan ng bawat miyembro.

Sinabi naman ni Dr. Liberty Domingo, Acting City Health Officer at Ms. Jennifer Serrano, Acting City Social and Welfare Development Officer, sa kanilang bahagi, tinitiyak nilang lahat ng kasapi sa ilalim ng Sponsored Program ay mapagsisilbihan.

Ito ay sa pamamagitan ng Philhealth One Stop Shop (POSS) ng lungsod na regular nag-o-operate sa unang palapag ng Navotas City Hall Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, na naglunsad ng POSS sa ilalim ng Executive Order No. 003 Series of 2012, isang napakahalagang bagay ang pagi-ging isang benepisyaryo ng nasbaing programa upang itaguyod ang kampanya upang lalo pang mapalawak ang kanilang kaalaman hindi lamang kapag may sakit o naospital kundi ang importante nagagamit nila sa tuwing sila ay magpapakonsulata malapit sa kanilang barangay health centers.

Sa kasalukuyan, ang  Navotas LGU ay may kabuuang 30,000 Philhealth beneficiaries; na lahat ay may karagdagang medical insurance sa pamamagitan ng Navotas Hospitalization Program (NHP) o Green Card na nagkakaloob ng hindi kukulangin sa Php 5,000.00 financial assistance.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.