Philhealth Card, Gawing Official ID

PINAG-AARALAN NA  ga-wing official identification ang PhilHealth card, ito ay sa gitna ng panukalang buha-yin ang National ID system.

Sinabi ni Senator Ralph Recto na simula pa noong 1995 ay maitutu¬ring ng ‘de facto’ national ID ang PhilHealth card.

Base na rin umano ito sa Republic Act 7875 o ang National Heath Insu¬rance Act of 1995.

Maliwanag aniya sa naturang batas na dapat ay universal at compulsory ang coverage ng mga Pinoy sa isang national health insurance system kaya dapat lahat ng Pilipino ay mayroon na ring PhilHealth card.

Sa sandali aniyang ma-enroll ang isang kasapi, binibigyan ito ng isang “Health Insu¬rance ID Card” na ayon sa PhilHealth ay para ma-identify ito bilang mi¬yembro.

Nakapaloob na rin umano sa datos ng isang kasapi ang mahahalagang detalye tungkol sa kanya pati na ang kanyang address.

Samantala, halos 100 porsiyento na umano ng mga Pinoy ay miyembro na ng PhilHealth.

Una nang inihain ni Albay Rep. Al Francis Bichara ang House Bill 11 o ang Filipino Identification Card na magsisilbing official ID ng mga Pinoy na naninirahan sa loob at labas ng bansa at magagamit sa public at private transactions.

Upang mawala ang mga pangambang pang-aabuso o magagamit ang nabanggit na ID upang labagin ang karapatan ng bawat indibidwal ay sisiguruhin ng panukala na ang anumang impormasyon sa ilalim ng sistema ay hindi makukuha ng ikatlong partido.

Kinukunsidera namang pribilehiyo ang impormasyong nakalagay sa system at hindi maaaring gamiting ebidensiya sa anumang criminal proceedings laban sa may-ari ng ID.

Sa ngayon, nakapaloob pa sa nasabing panukala ni Bichara na magkakaroon ng 10 taong validity period ang ID na maaaring i-renew pagkatapos at gagawing libre ang aplikasyon at pag-isyu ng Filipino ID subalit may bayad na ito sa susunod na renewal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.