Phil Younghusband, nasaktan sa pag-amin ni Angel Locsin na mahal pa rin si Luis Manzano

Phil-Younghusband Phil-YounghusbandSA PANIG naman ni Phil Younghusband, ayaw magbigay ng saloobin niya ang Azkals player sa naging pahayag ng ex-girlfriend na mahal pa nito si Luis, ang tanging nasabi na lang ni Phil ay magiging masaya siya sa kung saan magiging masaya ang aktres.

Alam namin na masakit para sa kanya ang sinabing ito ng ex-girlfriend lalo’t aminado naman si Phil na mahal pa rin niya si Angel at ito pa rin ang iniisip niya. Itinanggi nga ni Phil ang lumabas na isyu na nag-uugnay sa kanila ni KC Concepcion na unang sinabi noon ng Azkals player na showbiz crush niya.

Sa ngayon, mukhang malabo na magkabalikan sina Angel at Phil, lalo’t umamin na ang aktres tungkol sa nararamdaman pa niya kay Luis. Hindi malinaw ang rason ng paghihiwalay ng dalawa pero sa nangyari ay mukhang mas madaling naka-move on si Angel sa break-up nila lalo’t mukhang may balikang mangyayari rito at kay Luis.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleAngel Locsin, itinangging gimik lang ang pagpaparamdam kay Luis Manzano
Next articleAngel Locsin, umaasa na magkakabalikan sila ni Luis Manzano

No posts to display