Phil Younghusband, gusto nang pakasalan si Angel Locsin!

NAKAUSAP NAMIN si Phil Young-husband last Tuesday, January 15, sa Resorts World Manila sa ginanap na trade launch ng TV5, at kinumusta namin ang tungkol sa relationship nila ni Angel Locsin. Tugon niya, “Ah, masaya, masaya. Lagi kaming masaya, were happy together and enjoying each other’s company.”

Ano kaya ang sikreto ng masaya nilang samahan. Sagot niya, “Ah, sa palagay ko communication. Kasi lagi kaming nagko-communicate with one another. So, kung may problema ako, I’ll tell Angel and ‘pag may problema siya, she would tell me. So, I think, ang importante is communication.”

Seven months na ang kanilang relasyon, may balak na nga ba silang magpakasal? Pahayag ni Phil, “Alam ko I want to settle down but I don’t know yet the exact time. Pero alam ko, I want it, gusto ko mag-settle down with Angel.”

She’s the one for you na? Masayang tugon nito, “Yes, yes, she’s the one, definitely.”

 

LAST SATURDAY, January 12, 2013, sa ginanap na Finesse Make-over Tour Finals sa Glorietta Activity Center ay na-interview namin si Jerika Ejercito, ang nakatatandang kapatid na si Jake.

Una munang tinanong sa dalaga kung gusto rin ba nitong pasukin ang showbiz na pinaghaharian ng kanyang amang si dating Presidente Joseph Estrada. Atubiling tugon nito, “Yeah, but it doesn’t mean on anything, ‘di ba? But you know, I’m open. You know, I’m open to anything… and its new year. So, why not?”

Tumatakbo sa pagka-mayor ng Maynila ang kanyang ama, paano kaya niya ito susuportahan? “You know I did my part during the presidential campaign, I think dad can handle Manila without me.”

Kumusta na si Jake ngayon? “Jake is fine, he’s still in London, I mean he’s here now but he is leaving on Monday. We spent the holidays together, he is perfectly fine.”

Okay na kaya sina Andi at Jake? Ser-yosong kuwento ni Jerika, “They were always okay naman.”

Pero bakit may mga isyung tampuhan between them? Aniya, “Ah, yeah… that’s how it is naman, eh. They’re young, but now I think they’re friends, everything is fine, nothing to worry, everyone’s okay.”

 

CONGRATULATIONS ANG ipinapara-ting namin sa Superstar Nora Aunor at kay sir Eddie Garcia. Nominado kasi sila sa Asian Film Awards sa Hong Kong na gaganapin sa March 18.

Nominado ang dalawang award winning actors sa pagganap nila sa Bwakaw (Eddie) at Thy Womb (Nora), dalawang Pinoy films na patuloy na hinahangaan at binibigyang parangal sa mga international film festivals.

Iba talaga ang galing ng Pinoy.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

9 thoughts on “Phil Younghusband, gusto nang pakasalan si Angel Locsin!

  1. alam mo ba kung bakit walang nag ko-comment dito kasi hindi worth it patulan … napa-daan lang ako kya nakapag-post ako ng wala sa oras. Sige isaksak ninyo sa baga yang mga kabastusan ninyo…. kayo ang sumisira mismo sa mga idol ninyo! God bless na lang sa inyo!

  2. ang babastos ng mga bitter dito …. siguro gawa nila tapos papasa nila sa inag tao kawawa naman kayo…. bahala na ang Diyos sa inyo! 

  3. may mga bitter na naman kay angel haha! inggit lang kayo kasi tumabo sa takilya ang one more try samantalang ang pantapat nyong si marianita eh wala pang masasabing box office film hahahahaha!

  4. hahaha! walang nagcocomment!

    walang pakialam kay ANGHET!

    Laos na kasi si anghet kaya hindi tatalab ang gimik!

    chupain na lang nya yang si phil 24/7!

Leave a Reply

Your email address will not be published.