Phil Younghusband & Angel Locsin: Let The Love Begin!

PHIL YOUNGHUSBAND

Real Name: Philip James Placer Younghusband

Birthdate: August 4, 1987

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion

Ruling Planet: Sun

Quality: Fixed

Element: Fire

Basic Trait: I Will

Closest Metal: Gold

Lucky Day: Sunday

 

ANGEL LOCSIN

Real Name: Angelica Colmenares

Birth Date: April 23, 1985

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

AZKAL MEETS LOBO. Nag-umpisa ang pagli-link sa Azkals player Phil Younghusband sa soap opera princess na si Angel Locsin sa Twitter noong Pebrero. Nagkayayaan na mag-date hanggang sa magtuluy-tuloy na nga ang kanilang pagsasama.

Hindi pa nila inaamin nang diretso na magdyowa na sila in real-life, pero aminado naman sila na masaya sila at ini-inspire nila ang isa’t isa. Kitang-kita naman siguro sa mga Tweets at interviews nila, ‘noh?

Fail man ang unang attempt ni Phil Younghusband na pumasok sa industriya, nabigyan naman ito ng bonggang second chance nang sa wakas ay makasali siya sa football team ng bansa. Marami na ring napagdaanan si Angel Locsin sa kanyang showbiz career at maging ang puso niya’y beterana na rin, pero hindi ito sumusuko. Mahahanap na kaya nina Phil at Angel ang tunay na pag-ibig sa piling ng isa’t isa? Let the hulaan of love begin! Yo!

Ang pagiging matigas ang ulo ang isa sa common denominator ng Leo at Taurus. Huwag ninyong i-misinterpret ito, ha? Ang ibig sabihin ay kung may gustong makamtan, gagawin nilang lahat para makuha iyon. Pareho silang determinado at pinaninindigan nila ang bawat desisyon na kanilang ginagawa. Pareho silang bigay-todo sa trabaho at mahal nila ang sining na niyayakap. Maaaring magkaroon ng problema ang dalawa sa kanilang pagkakaiba. Mas open sa tao ang isang Leo kumpara sa Taurus. Hindi magdadalawang-isip ang Leo na ikuwento ang kanyang buhay sa madlang pipol, samantalang mas nanaisin naman ng Taurus na maging pribado ang ilan sa mga personal na kaganapan sa kanyang buhay. Hindi rin mag-aatubiling gumastos ang Taurus sa mga bagay na magpapasaya sa kanya habang ang Leo naman ay magdadalawang-isip pa.

Kahit na may personal differences ang dalawa, ang kanilang pagiging faithful and understanding sa isa’t isa ay hindi matitinag. Kailangan nilang tandaan na hindi nila dapat pagsamantalahan ang kahinaan ng isa. Dapat ding idaan sa mahinahong usapan ang mga bagay-bagay para hindi lumala ang gusot, kung meron man.

Expected na mas maghahanap ng atensiyon ang Leo kaysa sa Taurus. Hindi rin maiiwasan na ang lalaking Leo ang magko-control sa relasyon para mapunan ang kakulangan sa ego nito. Pagdating naman sa romansa ay super ok sila. Naglalagablab sa init ang pagsasamang ito! Game kung game!

Bagay na bagay, match na match! Siguradong matutuwa ang mga Phil-Angel supporters sa ating prediksyon ngayon dito sa Pares-Pares. Let the love begin para kasalan na! Meganon?! Pak!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.