PH-US defense deal, walang deadline

NILINAW NG Palasyo na hindi inihahabol ang framework agreement para sa increased US rotational presence sa nakatakdang pagbisita ni US Pres. Barack Obama sa Abril.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, mas pinagtutuunan ng magkabilang panig na magkaroon ng katanggap-tanggap na kasunduan at walang napag-uusapang timetable o deadline.

Sinabi ni Coloma na hindi naman ito kailangang madaliin para  hindi matiyak na mangibabaw at hindi makompromiso ang interes ng bansa.

Maaalala na mismong si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang tumiyak na sang-ayon sa Mutual Defense Treaty (MDT) at Visiting Forces Agreement (VFA) ang nilalaman ng naturang kasunduan.

“Ang batid po natin ay sinisikap ng magkabilang pa-nig na magkaroon ng katanggap-tanggap na kasunduan. Hindi po natin batid, at least hindi po sa panig ng ating pamahalaan, kung mayroong naitakdang timetable o kung mayroong nagmamadali. Ang alam po natin hindi po ‘yung pagmamadali, kundi ‘yung pagtitiyak na magiging katanggap-tanggap ito sa lahat ng aspeto para naman maging kapakipakinabang sa interes ng ating bansa,” pahayag ni Coloma.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “PH-US defense deal, walang deadline

  1. Pingback: PH-US defense deal, walang deadline - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.