PH-US deal, makatutulong sa mga sundalo ng bansa – Palasyo

TINIYAK NG Palasyo na makatutulong sa mga sundalo ng Pilipinas ang ikinakasang kasunduan sa pagitan ng ating bansa at bansang Amerika.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, makatutulong ang kasunduan “[in terms of] more knowledge and information sharing.”

Dagdag nito, isasaalang-alang sa negosasyon ng bansa at Amerika ang Visiting Forces Agreement (VFA) framework na naglilimita sa bilang ng mga dayuhang sundalo at tagal ng pananatili nito sa bansa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ngayong araw idedetalye ang negosasyon na may layuning magkaroon ng “possible framework agreement on [an] increased rotational presence.”

Kaalyado ng Pilipinas ang Amerika sa isyu ng teritoryo laban sa Tsina.

Samantala, ang nasabing pahayag ukol sa Philippine-US deal ay umusbong kasunod na rin ng ilang insidente ng pambobomba sa Min-danao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.