PH Embassy sa Vietnam, Nagpaalala Laban sa Illegal Recruiters

NAGLABAS NG babala ang Philippine Embassy sa Hanoi, Vietnam laban sa kumakalat na illegal recruiters na nagpapadala ng mga Pinoy bi-lang guro roon.

Base kay Philippine Ambassador to Vietnam Jerril Santos, may mga natanggap silang reklamo galing sa i-lang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabahong English teacher doon ngunit nalagay sa alanganing sitwasyon.

Isa sa pinakahuling reklamong natanggap nila, galing sa isang 32-anyos na Pinay na nagtatrabaho bilang English teacher sa Blue Ocean Language School na konektado diumano sa Lincoln School of Management.

Dagdag pa ni Santos, pinagbiyahe ang Pinay ga-ling airport ng 100 kilometro papunta sa eskuwelahan. Pagdating doon, kinuha ang kanyang pasaporte at pinagturo sa 20 estudyante na walang kontrata. Hindi umano siya pinalalabas sa gusali ng eskuwelahan kung saan siya sapilitang pinag-susuot ng sexy na damit habang nagtuturo.

Nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas noong Nobyembre 12, kung saan nakapagreklamo siya sa mga awtoridad.

Ayon kay Santos, dapat makipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga nag-a-apply bilang guro, upang matiyak na mapagkakatiwalaan ang agency na inaaplayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.