Petsa ng Pagdinig sa Kaso ni Isko Moreno, Itinakda na ng DOJ

SISIMULAN NA ng Department of Justice (DoJ) ang pagdinig kaugnay sa paghuli ng grupo ni Manila Vice Mayor Isko Moreno at lima pang konsehal dahil sa pa-bingo sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 16.

Sinabi ni Assistant State Prosecutor Gerard Gaerlan, na siyang may hawak ng kaso sa darating na Mayo 9-10 na isasagawa ang preliminary investigation dakong alas-3:00 ng hapon.

Kaugnay nito, posibleng ngayong araw ay ipapadala ang subpoena sa mga respondent at complainant sa kaso.

Napag-alaman na una nang nag-inhibit ang Manila Prosecutor’s Office sa kaso dahil na rin sa pagiging sensitibo ng usapin.

Samantala, nabatid na una nang ipanakita sa mga media ni Moreno ang dokumentong nagpapatunay na utos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagpaaresto sa nasabing mga opisyal na agad namang idinepensa ng opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.