Petrang Kabayo, sumipa sa takilya!

NAKURYENTE SILA!” ‘YAN ang tili ni Pokwang sa kanyang shoutout sa twitter. Ang tinutukoy ng komedyana ay ‘yung “panghuhusga” sa kanya ng mga nakapanood ng unang video ng kanyang pagtataray na kumalat sa Facebook at sa Twitter world.

Noon pa ay nilinaw na ni Pokey na ‘yon ay gimik lang ng Globe Muzta, pero hindi pa rin naniwala ‘yung iba. Hinusgahan pa rin siyang napakasama raw ng kanyang ugali.

Na kesyo sumikat lang siya ay grabe nang mangmata ng mga maliliit na tao. Akala mo kung sinong siga sa photo-shoot na wala nang nagawa sa pagwawala niya ang mga staff na naroroon.

“Madali lang talagang manghusga para sa ibang tao. Hindi muna nila alamin ang puno’t dulo kumbakit nangyari ‘yon.  Ang sama-sama tuloy ng ugali ko, ‘yun ang dating sa kanila.

“Mabuti na lang, kilala ako ng mga kaibigan ko. Mare, hindi naman ako masamang tao. Diyan talaga sa first video, oo!”

PERO HETO’T INILABAS na ang second video na naikarga na rin sa YouTube. At totoo nga. Natawa pa nga kami habang pinanonood, dahil pati ‘yung may hawak ng celfone na nakatutok ang video kay Pokwang, nagdayalog ng, “’Wag naman po kayong magmumura!”

“Ano? ‘Wag akong magmumura? Pa’nong hindi ako mapapamura eh, napakamura naman talaga ng promo ng Globe Muzta?!”

Ayun naman pala ‘yon at umalis na si Pokwang.

“Kaya nakuryente sila, marse,” sabi ni Pokwang.

Para sa inyong kapanatagan kung hindi pa rin kayo naniniwala o curious kayong makita ang video para kayo mismo ay magkaroon ng sariling conclusion, ‘eto ang link: http://www.youtube.com/watch?v=9krHXwzPaHY.

Happy watching!

CONGRATS KAY VICE Ganda at sa bumubuo ng Petrang Kabayo dahil tiba-tiba sa takilya ang naturang launching movie ng Pinakamagandang Kabayo sa Balat ng Lupa.

Si Boss Vic del Rosario na rin ang tumawag sa amin para sabihing naka-P15 million on its first day gross ang pelikula, “Mahina ang P100 million total gross nito sa entire showing!”

Actually, humihingi pa ng ilang prints ang mga sinehan to accommodate moviegoers na gustung-gusto nang manood at hindi na makapaghintay sa theater lobby.

“Gusto ko pa namang gumala sa lahat ng sinehan para personal kong makita at mapasalamatan ang mga manonood, pero hindi ko magawa, huhuhu!” kunwari’y umiiyak pa ang Vice.

Paano nga kasi, sa first day of showing ng Petrang Kabayo nu’ng Oct. 13 ay siya ring alis niya kinagabihan patungong LA, California para i-meet ang mga press na naghihintay sa kanya bilang bahagi ng 2-night concert nila ni Ms. Lani Misalucha.

‘Di ba, sa Oct. 20, nandito na si Vice Ganda?

“This calls for a victory party, Ogie, ihanda mo na si Vice.  At akina ang kanyang celfone number nang personal ko namang mabati ang bida natin at mapasalamatan.

“Sobrang lakas, Ogie! Lalakas pa ‘yan sa weekend, lalo na’t aliw na aliw ang mga tao sa pelikula. Ibang brand of comedy talaga itong Petrang Kabayo.” Sabi pa ni Boss Vic.

OO NGA PALA, sa mga nananabik (me gano’ng factor?) mapanood si Vice Ganda sa Metro Bar (West Ave.), nandu’n siya sa October 23, maghahasik ng ganda at katatawanan with guest, ang kanyang “dyowa sa twitter” na si Kean Cipriano kasama ang Callalily Band at hahataw Rin si Vice sa dance floor kasama ang XB Gensan at ang Mortal Kombat & the Showgays.

Puwede kayong tumawag o mag-text sa 0927-7862636 for ticket inquiry and reservations.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

20 thoughts on “Petrang Kabayo, sumipa sa takilya!

  1. hahhaaha…kumita daw?kahit sa pirated walang bumibili..ginagamit lang ni ogie diaz ang site na ito para ma promote si vice kasi sya ang manager nito..hehehe..lahat naman ng mga reporter dito mga bayaran…hahahaha…lalo na mga baklang reporter..hhahahaha..ang level ng mga writings ng mga ito puro basura, puro kabaklaan at kabastusan..hahahhaa..pero ok lang,enjoy naman kami magbasa…. just dont expect the us to respect you!

  2. abt d BI kahapon, c sarah g at mommy nya un.. yung pangalawa c diether ocampo, dba pangalan nya gusto gawin ng mga tao pero hirap gawin, mag diet…sus, kumita daw hindi naman ha! hay nq mag cnungaling ba..

  3. Sorry, off topic ito but gusto ko lang malaman kung sino ba ang nakaalam sa BI ni Ogie Diaz sa E-Live kanina? Hindi ko talaga ma gets. Anyone knows? I think the first BI is yong ina ng artista na nagbigay ng dalawang pizza slices sa walong reporters and the second BI yong actor na may motorseklo yata? Sino sila? Salamat

      • Ay ganuun ba? Salamat cutty ha? Hindi yata maganda itong mga masamang balita tungkol sa Mommy ni Sarah, it will affect Sarah, sana may makapag advice naman sa mommy ni Sarah. At si Diet pala yong second, hay naku. Gusto ko si Diet dahil sa pagtulong nya sa mga bata.

  4. ang mga comments dito ay mga bitter na tao, crab mentality kaya di umasenso ang pilipinas kasi may mga taong ganito i would suggest na be educated enough kayo para umasenso ang mga buhay niyo. Ganun lang ka simple yon. Kung may mga work kau ayusin niyo work niyo para gumanda buhay niyo kasi pag masama ang mga ugali niyo puro negative ang darating sa inyo okey! peace, peace! kung wala kayong comment sa kapwa niyo much better don’t talked. Kasi pinapakita niyo sa sarili niyo na loser kayo sa buhay. Try niyo maging positibo i’m positive din ang mga mangyayari sa buhay niyo.

  5. praise release at mind conditioning na kumita raw!! well, tignan na lang natin kung may kasunod na film project pa si petrang ka(yabang)bayo…

  6. i watched today petrang kabayo.its not that very funny…ok lang mga punchline ni vice pero di syadong nakaktawa.ang memorable lang sakin sa movie ung tunay na horse kakaaliw.lalo na sa part ng karera.at si luis ang hinete.hahaha hindi pa showing sa sm fairview kaya i tried sa robinson novaliches grabe ang lamig sa loob ng sinehan.more than 20 lang yata nasa loob.how come na 15 million:D infairnes nghubad sa vice sa movie.

  7. Ilabas ang numbers!!! hahaha syempre manager nya si ogie diaz alangan naman laitin??? Gawa ka ng movie sa pasko itapat mo sa movie ni bosing para magkaalaman na.

  8. YUCk!

    Dati hindi ako naniniwala na ang YABANG ni POKWANG pero ngayon parang totoo na, Nagkahawaan siguro sila nila MARIEL at KRIS..

    POKWANG=YABANG which i know RHYMES.

  9. Weh…KumiTa Daw!! Neck,Neck mo!! Eksaorada kang Frog..NagFfeeLing Kumita kahit Hindi pwe! Feeling nyang Vice mo Sikat na Sikat na..Dati like ko sya now di na Sobra na kung makapagsalita!! Kkabwisit sya!! Yabang na!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.