Petitioner sa DAP, tinangkang pigilan ng Malacañang

NANANATILI UMANONG matatag ang isa sa mga petitioner para sa isinusulong nitong apela na ideklarang unconstitutional ang Discretionary Acceleration Program (DAP) ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na nagsimula pa noong 2011.

Ayon kay dating Manila Councilor Greco Belgica, tinangka siyang pigilan sa kanyang isinusulong na pagkontra sa DAP ng administrasyong Aquino.

Napag-alaman na una nang iginiit ni Belgica sa Korte Suprema na ginamit lamang ng administrasyon bilang umano’y reward para sa mga senador na bomoto sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona noong nakaraang taon, ang natu-rang pondo.

Sinabi ni Belgica na ang mahigit P1 bilyon na pondo ng DAP na ipinalabas ng Malacañang sa mga mambabatas ay labag sa Section 25 ng Article 6 ng Konstitusyon kung saan ipinagbabawal ang pagpasa ng batas na nagbibigay pahintulot sa paglipat ng appropriations na inilaan sa isang partikular na ahensya.

Samantala, sa nasabing kaso umano ng DAP, maituturing na may paglabag ang paglilipat ng pondo dahil ang pondong inilipat sa legislative branch ay galing sa pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.