Petisyon sa Sabah Claims, Inihain sa SC

PORMAL NANG inihain sa Supreme Court (SC) ang “petition for the issuance of the writ of mandamus” kaugnay sa usapin ng pag-angkin ng mga Pilipino sa kanilang lupain sa  Sabah.

Base sa 17-pahinang petisyon na inihain ni Louis “Barok” Biraogo, hiniling nito ang Korte Suprema na atasan ang Ehekutibo na ipursige ang pag-angkin ng grupo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III sa Sabah sa international court.

Partikular na hini-ling ni Biraogo na atasan ng SC si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na dalhin ang kaso ng North Borneo sa International Court of Justice o sa iba pang tanggapan na awtorisado sa ilalim ng international law.

Tinukoy ni Biraogo na legal na pag-aari ng bansa ang North Borneo batay na rin sa kasaysayan.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Biraogo dahil sa halip na tulungan ang mga Pinoy na nagtungo sa Sabah, binantaan pa ng ating pamahalaan ang mga ito na ipaghaharap ng kaso.

Samantala, kinontra rin nito ang pagsang-ayon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa desisyon ng pamahalaan ng Malaysia na bansagang terorista ang mga Pinoy na tagasuporta ng Sultanate of Sulu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.