Petisyon sa Piyansa ni CGMA, Ibinasura

IBINASURA NG Sandiganbayan First Division ang mga bail petition ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Budget Officer Benigno Aguas sa botong 3-2, dahil malakas umano ang ebidensiya na nagsasabing may kinalaman ang mga ito sa P366 milyong plunder case na inihain laban sa kanila sa Ombudsman noong 2012.

Dalawa sa pitong ma-histrado ang tumangging bumoto sa resolusyon.

Base sa isang 51-pahinang resolusyon, nakasaad na malaki ang paniniwala na guilty sina Ginang Arroyo at Aguas sa isinumiteng ebidensiya at testimonya ng prosekusyon sa kasong plunder.

Isinulat ni Associate Justice Rafael R. Lagos ang Resolution na kinatigan nina First Division Chairman Associate Efren De la Cruz at bagong Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang habang sinalungat naman ito nina Associate Justice Jose Hernandez at Rodolfo Ponferrada.

Samantala, lumalabas sa nasabing resolusyon na mananatiling naka-hospital arrest si Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City habang si Aguas ay mananatili sa Camp Crame Custodial Center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.