Petisyon sa Pagbibitiw ni De Lima, Ikinasa

SINIMULAN NANG kumilos ng ilang grupo para mapaalis sa puwesto si Justice Secretary Leila de Lima.

Isinagawa ng grupong “Stop Corruption Philippines” ang panawagang pagsibak sa puwesto ng kalihim sa petisyon sa online na sinimulan noong nakaraang linggo.

Base sa petisyon, nanawagan ang nasabing grupo kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na ibalik sa puwesto ang dalwang sinibak na National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Directors Reynaldo Esmeralda at Atty. Ruel Lasala.

Nanindigan ang grupo na kailangang ibalik sa puwesto ang dalawa dahil career officers ang mga ito at walang dahilan para maalis sila sa puwesto.

Kinondena rin ng grupo ang pagkakadawit ng dating mister ni De Lima na si Atty. Plaridel Bohol sa tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Naniniwala ang grupo na ang kalihim ang morally liable at dapat managot dahil hinayaan nito ang gobyerno sa pakikipagkita ni Bohol kay Napoles.

Una namang itinanggi ng dating asawa ni De Lima ang nasabing alegasyon na siya ang nag-ayos ng pakikipagpulong ni Napoles kay dating NBI Director Nonnatus Rojas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.