Petisyon sa Dagdag-Singil sa Kuryente, Ihahain sa SC

SA SUSUNOD na linggo pa makapaghahain ng petisyon sa Korte Suprema ang isang consumer group na tumutuligsa sa dagdag-singil ng Manila Electric Company (Meralco).

Ikinatuwiran ni National Association of Electricity Consumers for Reform (NASECORE) President Pete Ilagan na pawang pro-bono o walang bayad ang kanilang mga abogado at inaayos pa nila ang mga kaukulang dokumento.

Unang tinarget ng grupo na makapaghain ng petisyon noong Miyerlules, pero naurong na ito sa kalagitnaan ng susunod na linggo.

Ayon pa kay Ilagan, status quo ante order (SQAO) ang hihilingin nila sa SC para mapigilan ang itinuturing na all-time power rate hike na P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na hahatiin sa tatlong bagsak.

Ihihirit din aniya nilang i-pawalang-bisa ang resolusyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nagbibigay-pahintulot sa awtomatikong pagtataas ng singil ng distribution utilities.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.