Petisyon ni Andal Ampatuan Jr., Ibinasura ng CA

PINAL NANG ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng panig ni Datu Andal Ampatuan Jr. para patawan ng indirect contempt ang abugado ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu na si Atty. Nena Santos.

Base sa isang pahinang resolusyon, hindi na pinagbigyan ng 10th Division ng CA ang motion for reconsideration (MR) ni Ampatuan at pinagtibay ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na ibasura ito.

Sa nasabing re-solusyon, iginiit ng CA na hindi nakapagbigay ng bagong argumento at ebidensya ang panig ni Ampatuan Jr. upang baliktarin ng Korte ang unang desisyon noong Marso 27, 2013.

Samantala, una nang iginiit ni Ampatuan Jr. na ilang beses umanong

tinalakay ni Santos ang merito ng kaso sa telebisyon at print media para umano mapasama ang imahe ng mga akusado sa publiko at mapalakas ang laban ng kliyente nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.