Petisyon ng mga Dinisqualify na Party-List Groups, Ibinasura ng SC

IBINASURA NG Supreme Court (SC) ang mga petisyon ng 23 diniskwalipikang party-list groups na nagtangkang lumahok sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Supreme Court spokesman Theodore Te, pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa aplikasyon ng mga grupo matapos magparehistro sa unang pagkakataon.

Narito naman ang lista-han ng mga diniskwalipikang party-list na ibinasura ang mga apela:

1. 1-Kanegosyo, 2. 1 Serve the People, 3. Angat Ahon Magsasaka, 4. Isang Kasambahay Po, Inc.,5. 1 Ang Batas, 6. Alab ng Pusong Pinoy, 7. Active National Federation of Bantay, Inc., 8. Courage,9. Aktibong Bayaning Pilipino, 10. 1 Para sa Bayan, 11. Partido ng Manggagawa, 12. Alas-Gwardya, 13. FXD,14. Pahiyom Pobreng Pamilyang Pinoy, 15. AAA Aviation Advancement Advocates, Inc., 16. Hanap Buhay Para Para sa Pinoy, Inc., 17. Magdiwang Maharlikang Mamamayan Movement, Inc.,18. Empleyadong Nagtataguyod ng Bagong Anyo ng Kapaligiran, 19. Alliance of Concerned Transport Organizations, Inc.

20. 1 Akong Minimum Wage Earner, 21. Alab ng Mamamahayag, 22.1 Team for Education Advancement and Change at 23. Fancisco Aguilar, et al.

Sa ngayon, ibinalik ng Korte Suprema sa Comelec ang kaso ng pitong grupo kung matutukoy ang posibildad na mabigyang accreditation ang mga ito sa ilalim ng bagong guidelines.

Ito ang mga grupong: Partido ng Katutubong Pilipino,1-AANI, Confederation of Non-stock Savings and Loan Associations, Inc., Pro-Active on Climate Change Leaders, Inc., Itinerant Vendors Alliance of the Philippines, Alliance of National Urban Poor Organizations Assembly, Inc, at Filipino-Muslim Organizations.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.