Petisyon Kontra Renewable Energy, Ibinasura ng CA

HINDI UMANO malayong tumaas muli ang singil sa kuryente matapos na ibasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon laban sa pagpapataw ng feed-in tariff (FIT) rates para sa mga renewable energy tulad wind, solar, hydroelectric at biomass energy.

Napag-alaman na ang feed-in tariff ay sistemang idinisenyo para mahikayat ang investors sa paggamit ng renewable energy resources alinsunod sa Republic Act 9513 o Renewable Energy Act of 2008.

Lumalabas kasi sa desisyon ng CA Special Division, ibinasura nito ang petition for certiorari and prohibition with application for a Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction na inihain ng Foundation for Economic Freedom laban sa feed-in tariff of fit rates na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission.

Nabatid na ang grupo ng petisyuner ay isang public advocacy organization na binubuo ng mga propesyunal na nagbabayad ng buwis at mga electric consumer.

Base sa kautusan kasi ng ERC, ang FIT sa bawat kilowatt hour sa solar power ay P9.68; P8.53 sa wind power habang sa hydroelectric power ay P5.90 at sa biomass ay P6.63.

Lumalabas din sa desisyon ng CA na isinulat ni Associate Justice Pedro Corales at kinatigan nina Associate Justices Sesinando Villon at Samuel Gaerlan, regulasyon sa mga korte ang pagrespeto sa rules and regulations ng mga administrative agencies dahil sila ang mas nakakaalam sa nasabing operasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.