Petisyon kontra power hike, pinaaamyendahan ng SC

PINAAAMYENDAHAN NG Korte Suprema ang petisyon laban sa dagdag-singil ng Manila Electric Company (Meralco).

Utos ng Supreme Court (SC), isama sa petisyon ang power producers kabilang ang Philippine Electricity Market Corporation (PEMC), SEM-Calaca Power Corp., Masinloc Power Partners Corp., Therma Luzon Inc. (TLI), San Miguel Energy Corporation (SMEC), South Premiere Power Corp. (SPPC) at Therma Mobile Inc. (TMO).

Ito’y hinggil sa sinasabing sabwatan kaya labis ang itinutulak na taas-singil ng Meralco.

Ani SC Spokesman Theodore Te, kailangang maihain ng petitioners, kasama ang Bayan Muna at iba pang militanteng grupo, ang naamyenda-hang petisyon hanggang sa Enero 13.

Dapat namang magkomento ang power producers hanggang Enero 20. Kailangan din nilang dumalo sa initial preliminary conference sa Enero 13 o mag-abisong hindi na lalahok sa oral arguments sa Enero 21 sa pamamagitan ng pagsusumite ng manifestation hanggang sa Enero 10.

Sa kabilang dako, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang hirit ng Office of the Solicitor General (OSG) na huwag nang magkomento sa naturang petisyon kontra sa power rate hike.

Sinabi ni Te na inobliga ng mga mahistrado ang OSG na magsumite ng komento bago o sa mismong araw ng Enero 17 at dumalo sa komperensiya sa Enero 13.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.