Petilla, posibleng masibak sa bagong deadline

HINDI UMANO malayong matuloy na umalis sa gabinete si Energy Sec. Jericho Petilla kung hindi maibalik sa loob ng 45 araw ang supply ng kuryente sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng kalamidad.

Matatandaan na mismong si Petilla ang nagbigay ng sariling deadline matapos magalit si Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa kanyang ginawang pag-iikot sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng bagyong Pablo at Yolanda kasabay ng paggunita sa EDSA People Power Revolution.

Nalaman din ng punong ehekutibo na mayroon pa ring lugar sa Cateel, Davao Oriental na napinsala ng bagyong Pablo at sa Tacloban na sinalanta ng supertyphoon Yolanda ang hindi pa naibabalik ang power supply.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi dapat pagdudahan at matutupad ang pahayag ng pangulo kung hindi nagawa ni Petilla ang pangako.

Base sa pahayag ni Pa-ngulong Aquino, mas mabu-ting magbitiw na lamang sa kanilang puwesto ang mga kasapi ng gabinete na hindi nagagampanan ang kanilang tungkulin.

Una namang nagsabi si Petilla na aalis sa puwesto noong nakaraang taon kung hindi maibalik ng 100 porsyento ang supply ng kuryente pagsapit ng Disyembre 24, bagay na hindi tinanggap ni PNoy.

(PARAZZI REPPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.