Personal Security Training sa Mga Hukom, Sinimulan

SIMULA KAHAPON, nagsimula na ang pagsailalim sa personal security training ng mga hukom mula sa 1st level at 2nd level courts sa 7th judicial region sa lungsod ng Cebu.

Magtatagal naman ng hanggang Oktubre 18 ang naturang pagsasanay.

Kaugnay nito, may mga lecture na isinagawa para sa mga hukom gaya na lamang ng markmanship training, threat assessment, crime prevention, firearms at personal security measure.

Layunin ng nasabing training na maipaunawa sa kanila ang mga pa-ngunahing panuntunan ng personal na kaligtasan.

Ang Office of the Court Administrator at Supreme Court Committee on Security mismo ang nanguna sa naturang pagsasanay katuwang ang National Bureau of Investigation.

Kabilang naman sa mga dumalo sa pagsasanay ay mga pinuno ng NBI na kinabibilangan nina NBI Director Nonnatus Rojas, NBI Assistant Director Medardo De Lemos, gayundin ang executive secretary ng Philippine Judicial Academy na si Marina Buzon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.