‘Personal Grudge’,Motibo sa Pagdukot sa Empleyado ng TV Network

PERSONAL GRUDGE ang nakikita ng mga kinauukulan na motibo sa pagdukot sa finance officer ng ABS-CBN na si Obdulia ‘Dolly’ Cruz na natagpuan sa Baguio City.

Ayon kay SPO1 Jean Usngal, imbestigador ng nasabing kaso, ito ay base sa mga salitang binitiwan sa biktima ng isa sa dalawang naka-bonnet na salarin habang nasa loob sila ng van.

Aniya, sinabi sa kanya ng isa sa mga suspek ang mga katagang “nang dahil sa’yo, hindi na ako nakapag-renew ng lisensiya… nawalan ako ng trabaho…”

Isinalaysay pa sa pulis ng biktima na piniri-

ngan ito ng mga salarin at itinali ang kanyang mga kamay nang dukutin ito noong Marso 18 sa Lungsod Quezon.

Sinabi  pa nito na bigla na lamang siyang i-binaba ng mga suspek sa bahagi ng Gibraltar Road sa Baguio City at nakita naman ito ng dalawang concerned citizen na siyang dumulog sa mga awtoridad.

Samantala, sinabi ni Usngal na nai-turn-over na nila sa Quezon City Police District (QCPD) ang imbestigasyon sa naturang kaso.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na naka-rekober at nasa ligtas na kalagayan si Cruz at ito’y sinundo ng kanyang pamilya mula sa Notre Dame Hospital sa Baguio City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.