Pero friends pa rin daw sila
Juliana Palermo, Iniwan ng Nakabuntis!

NAGBALIK-SHOWBIZ SI Juliana Palermo via her very sexy and revealing cover sa Playboy magazine. Nakakaloka lang dahil after a year nang siya’y nanganak ay balik ang katawan niya sa dati na super sexy at parang hindi dumaan sa panganganak.

Kuwento pa ni Juliana sa amin, halos four years ago nang lisanin niya ang showbiz at nagtrabaho sa Hong Kong. “Naramdaman ko kasi na parang na-drain na ako noon. Kaya nagtrabaho muna ako sa Hong Kong, three years na pabalik-balik doon at sa Davao, kasi inaalagaan ko rin ang kapatid ko.

“I met someone from New Zealand at nagkamabutihan kami, hanggang sa nabuntis ako. Pero nawala siya, simula noong nagbuntis ako hanggang sa makapanganak, hindi na niya kami nakita. Pero friends pa rin lang kami, next month magkikita kami. Hindi naman ako nanghihingi ng suporta sa kanya, kaya ko naman.”

Ipinakita sa amin ni Juliana ang kanyang anak at super cute ito at ang puti.

Ngayon daw ay naka-base na siya sa States at tatlong buwan na siyang nagtatrabaho sa isang data center doon. Balak daw niyang magtayo ng isang website at doon niya isusulat ang mga karanasan niya sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kaugnay naman sa kanyang playboy pictorial, sabi niya, gusto niyang balang araw, paglaki ng anak niya ay maipagmalaki niyang very sexy ang kanyang ina.

Nasa Davao ngayon si Juliana at maggi-guest ito nang live sa Sabado sa Paparazzi Showbiz Exposed.

 

NAKASAMA NAMIN si Diether Ocam-po noong Martes ng hapon, July 17, sa isang youth center sa Maynila, kung saan nagkaroon siya ng advance birthday celebration. Birthday niya kahapon, July 19, kung saan 38 years old na ang binata at ayon pa sa kanya ay wala na siyang mahihiling pa sa buhay kaya minabuti niyang makasama ang kabataang nais magbago sa kanilang buhay.

May dalang mga regalo si Diet at pagkain, at revelation sa amin na three years na pala niyang pinupuntahan ang youth center tuwing birthday niya. Kuwento pa ni Diet, dumaan din sila sa sobrang kahirapan noon kaya nakare-relate siya sa kabataang kapus-palad. Aside from his KIDS Foundation, dito rin daw siya sa youth center nag-aabot ng tulong.

Pagdating naman sa kanyang lovelife, hindi masyadong nagsasalita si Diet pero pansin naming may kasama siyang isang magandang non-showbiz girl. Pero halatang umiiwas siya tuwing tinatanong namin.

Pagdating naman sa usaping pulitika, inamin niyang may mga nagparamdam sa kanya at kinumbinsi siyang pasukin na rin ang pagiging public servant. Pero aniya, hindi talaga niya ito linya. Pero hindi naman daw siya nagsasara ng pinto tungkol sa pagpapalaot sa pulitika.

 

SIMULA JULY 30, mapapanood na ang pinakabagong eco-fantasy series na Enchanted Garden sa TV5 nang alas-6:30 ng gabi. Susundan agad ito ng Wil Time Bigtime at maraming mga bagong pakulo ang show. After Wil Time, aarangkada naman ang pinakabagong artista search na Artista Academy hosted by Cesar Montano at Marvin Agustin. Tiyak na kaabang-abang ang bagong shows ng Kapatid Network.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

5 thoughts on “Pero friends pa rin daw sila
Juliana Palermo, Iniwan ng Nakabuntis!

  1. BAKA MAGNANAKAW NA PULITIKO ANG AMA NG ANAK NI JULIANNA PALERMO KAYA D CYA MAPAKASALAN KC MARRIED NA UNG GUY BWAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.