Pera ni Pacquiao, naka-freeze

NAGPALABAS NG freeze order ang Court of Tax Appeals (CTA) sa mga ari-arian at deposito sa bangko  ni boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Ito ay sa kinakaharap na P2.2 bilyong tax case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Base sa mga ulat, kasabay ng pagbabalik sa bansa ni Pacquiao, natuklasang may freeze order ang korte pero ipinalabas ito dalawang linggo na ang nakakaraan.

Nauna nang iniapela ng mga abogado ng boksingero sa CTA ang warrant of garnishment na ipinalabas ng BIR laban sa mga kayamanan nito kabilang na ang bank deposits.

May kinalaman ang kaso ng Pambansang Kamao sa sinasabing kabiguan nitong ilagay sa kanyang income tax return (ITR) ang milyon-milyong dolyar na buwis na kinolekta ng US Internal Revenue Service (IRS) para sa kanyang mga napanalunan sa boxing mula 2008 hanggang 2009.

Iginiit ng BIR na obligasyon ni Pacquiao na ideklara sa kanyang ITR ang lahat ng kayamanan kabi-lang na ang mga kinita niya sa ibang bansa.

Lumalabas na kumita si Pacman ng $28 milyon sa kanyang panalo kina Juan Manuel Marquez, David Diaz at Oscar dela Hoya noong 2008, gayundin sa kanyang panalo kina Ricky Hatton at Miguel Cotto noong 2009.

Sa nasabing halaga, umabot sa $8.4 milyon o P395 milyon ang kinolektang buwis ng IRS.

Samantala, inihayag naman ni Pacquiao na hindi niya idineklara ang kinolektang buwis ng IRS dahil sa bilateral tax treaty agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika, kung saan ang binayarang buwis ng mga Pilnoy roon ay creditable sa kanyang buwis sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Pera ni Pacquiao, naka-freeze

Leave a Reply

Your email address will not be published.