Pera ni Napoles, na-withdraw na

NAI-WITHDRAW NA umano ni Janet Lim Napoles at naitago ang mga laman ng kanyang mga bank accounts bago pa man mag-issue ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa Manila Regional Trial Court.

Lumalabas sa report, mas maliit na umano ang halaga ng mga bank accounts ng negosyante na iniwan sa kaniyang P10 bilyong pork barrel transactions.

Sa 11 bank accounts na hawak ng Anti Money Laundering Council (AMLC) pito sa mga ito ang nakapangalan kay Napoles habang ang iba ay joint accounts na.

Umaabot naman umano sa $542,442 o nasa mahigit P24.27 milyon ang nasa pangalan ni Janet Napoles at ang nasa peso account ay umaabot na sa P1.30 milyon.

Gagawin ang nasabing pagdinig sa Marso 7 kung saan pagdedesisyunan kung itutuloy para ang freeze order sa ari-arian ni Napoles at iba pang sangkot sa PDAF anomaly.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.