Pera ng Simbahan, Tinangay ng Sakristan

TINANGAY NG sakristan ang pera ng simbahan sa Malabon City kahapon ng umaga.

Pinaghahanap na ng mga pulis si Christian Dagame, 18, stay-in ng Sacred Heart Parish Church sa Pureza St., Tugatog ng lungsod.

Sa pahayag ng caretaker na si Nelia Espinal, 18, kamakailan ay nawalan siya ng mga alahas at nalamang ang suspek ang kumuha.

Nang kumprantahin ay ibinalik ng suspek ang ibang nawawalang alahas at dahil dito ay pinaalis ni Espinal si Dagame sa simbahan.

Alas-6 ng umaga, nabuksan ang kuwarto ng parish priest na hindi na nakuha ang pangalan kung saan nawawala ang P60,000 na pera ng simbahan.

Ilang saksi ang nakakita sa suspek na pumasok sa simbahan kamakalawa ng gabi kung kaya pinaghahanap dahil itinuturing na suspek sa pagnanakaw ng pera ng simbahan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.