Pepe Herrera proud sa pagiging basurero

Pepe Herrera

MATAGAL NA palang gawain ng pamilya nina Pepe Herrera ang magpulot ng basura o maging garbage collector kaya hindi na bago para sa bida ng pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap ang nag-viral niyang litrato sa social media.

Ani Pepe, “Actually, sa pamilya po talaga namin gawain siya for a long time na. Nagsimula po do’n sa kapatid kong lalaki – siya po yung kuya ko na naglalakad na long hair na may bag.

“Environmentalist po talaga yung kapatid ko, naturally environmentalist po kasi talaga siya growing up.”

Ganun din daw ang turo sa kanila ng ina – ang magpulot ng mga basurang nakikita kahit saan.

“Yung mother ko po, pinalaki po niya kaming ganun, second nature po sa amin ang pagiging very maalaga sa kalikasan,” sambit pa niya.

Sinadya daw niyang i-post ito sa social media para talagang mas maraming makakita.

 “Kasi meron po akong means to encourage other people lalo na ngayon. Eh, hindi naman po ako ganun na katagal sa showbiz. Siguro ngayon lang mas nalalaman ng mga tao because now that I post it and a lot of people see it,” reaksyon pa niya.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.