People Asia’s Men Who Matter 2011 Robin Padilla, Bad Boy Gets Better?

NANGUNA ANG WALANG kakupas-kupas na kakisigan at kaguwapuhan ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Ci-nema na si Papa Robin Padilla sa listahan ng ‘Men Who Matter’ para sa taong 2011 ng People Asia Magazine for June-July issue. Sa 16 na kalalakihang pumasok noong nakaraang taon eh, 12 pangalan na lang ang pinalad na mapasama ngayong taon. Bukod kay Binoe, ang iba pang kapapahan na lumutang sa gabi ng pagpapakilala noong June 23 sa New World Hotel sa Makati City ay sina Donnie Tantoco, Kevin Tan, Rep. Toby Tiangco, Pepe Smith, Executive Secretary Jojo Ochoa, Dr. Z ShenTeo, Mark Nicdao, Jed Madela, Vice Mayor Isko Moreno, Prateek Kumar at Farid Schoucair. Sa kanilang lahat eh, si Papa Robin talaga ang pinaka nag-stand-out to the maximum level, he-he! Barakong-barako pa rin at medyo malayo na nga ang imahe ng bebe ni Mariel Rodriguez na dating maangas na naging mas maginoo at maporma. Kaya pala gustung-gusto ng hitad na parating nakalingkis sa kanyang mister dahil sa unkabogable sex appeal ng lolo n’yo, huh! Mabuhay si Binoe at ang iba pang mga kalalakihang kinilala ng nasabing babasahin, give them a round of applause. Kabog!

 

Photos by Mark Atienza

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

One thought on “People Asia’s Men Who Matter 2011 Robin Padilla, Bad Boy Gets Better?

Leave a Reply

Your email address will not be published.