Pensyon ng militar, posibleng magka-krisis

PINANGANGAMBAHAN NI BUDGET Sec. Florencio Abad ang posibleng krisis sa military pension system.

Kasunod ito ng pagtaya ng Department of Budget and Management (DBM) na hihigitan ng pension budgetary requirement ang kinakailangang pondo para sa mga active personnel pagsapit ng 2016.

Ayon kay Abad, aabot sa P67 bilyon ang kailangang pondo para sa pension ng mga retiradong sundalo habang P63.7 bilyon lamang para sa mga active staff.

Nakikipag-ugnayan na sila sa Government Service Insurance System (GSIS) para magsagawa ng pag-aaral para mapangalagaan ang kontribusyon ng mga sundalo at masiguro ang katatagan ng military retirement system, ani Abad.

“We have to resolve this looming problem in the pension of our uniformed personnel decisively at the soonest time possible. It is very likely that in the next five years, the government will allocate more funds for the pension requirements of retired military personnel than the salaries of those still active in service,” ani Abad. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.