Pelikulang ‘The Hows of Us’, una sa apat na pelikula ni Direk Cathy bago mag-retire

Daniel Padilla, Direk Cathy Garcia-Molina and Kathryn Bernardo

UNA SA APAT na pelikulang gagawin ni Direk Cathy Garcia -Molina ang The Hows of Us ng magkarelasyon (yes, official na!) na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Noong presscon ng pelikula nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach noon, sinabi ni Direk Cathy na may apat pang pelikula siyang idi-direk bago siya mag-early retirement at kabilang na dito ang pelikula nina Kathniel, ang Three Words to Forever with Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo and Richard Gomez; a film starring Piolo Pascual at ang panghuli at kung pu-pwede pa ay si John Lloyd sana ang bida na wish ni Direk.

Direk Cathy Garcia-Molina and John Lloyd Cruz

Kung maayos at mapagbigyan, gusto niya na si Lloydie (her favorite) ang magiging bida bago siya mamaalam sa showbiz para asikasuhin naman ang kanyang mga anak na aminado siya na kinuha ng trabaho niya ang panahon na dapat ilaan para sa kanila.

Kaya nga sa dinami-dami ng mga artista na nangangarap na maidirek sila ni Direk Cathy, thankful ang mga co-stars nina Kathryn at Daniel like Ria Atayde, Juan Miguel Severo at Darren Espanto na makapagtrabaho under Direk Cathy.

Sabi nga ni Ria who plays bestfriend of Kathryn: “It’s an honor po for me. I’m thankful.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.