Pelikulang ‘Fatima: Ang Tunay Na Yaman’, kung anu-anong aberya ang pinagdaanan

Jao Mapa, Marilou Dinson & Direk Jigz Recto

KUNG ANU-ANO palang aberya ang pinagdaanan ng pelikulang Fatima: Ang Tunay Na Yaman bago ito tuluyang natapos. Ayon sa director ng pelikula na si Jigz Recto, habang nagsusyuting sila ng pelikula ay laging natataon na may bagyo, ulan, baha at iba pang kalamidad.

“Talagang ganyang kapag gumagawa ka ng para sa Panginoon, kung anu-anong delaying tactics ang gagawin ng demonyo para lang huwag itong matuloy,” reaksyon pa ng director ng Fatima.

Pero sa tulong daw ng maraming dasal at kooperasyon ng cast ay natapos din sa wakas ang pelikula na tribute sana para sa centennial celebration ng  Fatima apparition in Portugal.

Ayon naman sa kuwento ng producer ng Fatima na si Marilou Dinson, head ng Crownstar Event and Talent Management, dapat ay magsisilbing recital o acting showcase lamang ng mga bata at teen workshopper ng Crownstar ang naturang project, pero lumaki na ito nang lumaki.

Aniya, “Lumaki na yung scope ng project at nadagdagan na yung shooting days namin kaya bukod sa mga workshoppers ay kumuha na rin kami ng may mga pangalang artista bilang support.”

Kasama sa cast ng pelikula sina Liz Alindogan, Jao Mapa, Malu Barry, Gino Ilustre, Angela Ruiz at marami pang iba.

Gaganap naman bilang little Fatima ang Crownstar talent na Princess Leah Marie Dinson. Pasok din sa movie ang iba pang acting workshoppers na sina Prinz Louis Dinson, Jericho Baello, Marie Lou, Kiel Jacob Ligon, Drake Manalang, Kristine Hammond, Gio Roa, Prits Mohinani, Phoebe Yap, ang  mga dance group na Movers Impact, Electro Groovers, Crownstar Jewels Crownstar Diamonds at Chubbylicious.

Ayon kay Direk Jigz at sa producer na si  Marilou, ang Fatima daw is a humble attempt to bring back the good old seemingly lost values of the past tulad ng honesty, diligence and hard work, sacrifice, respect and integrity sa kabila ng maraming temptations.

Samantala, catch Fatima and the cast sa kanilang premiere night na magaganap sa SM North Cinema 4 on Sunday, Feb. 11.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.