PELIKULANG ‘NIGHTS OF SERAFINA’, MAY SUMPA?!

MAAGA PA LANG kahapon, nakatanggap na ako ng balitang namatay daw itong character actor na si John Apacible. Napapanood ko pa itong si John sa Minsan Lang Kita Iibigin, at dinig ko galing pa raw ito sa taping ng teleserye na ‘yon, pero nagkaroon yata ng gulo nang nakipag-inuman ito.

Binaril daw ito ng tiyuhin niya na kainuman din niya kahapon ng madaling-araw.

Ang narinig ko lang na kuwento, ang girlfriend daw nito na si Anna Leah Javier ang nagbalita sa manager ni John na si Leo Dominguez.

Medyo malabo pa ang kuwento ni Leo kung ano talaga ang nangyari dahil nung huling balita ko, inaayos pa nila si John at wala pa raw linaw kung ano talaga ang nangyari.

Alam ko magkasama sina John at Leo Rabago sa pelikulang Nights of Serafina, at meron pa silang isang model/actor na kasali rin sa pelikulang iyun na  namatay din daw iyun.

Namatay na rin si Leo at itong si John ay ganundin. Parang may sumpa yata itong pelikulang Nights of Serafina na ang mga lead actors nito ay namamatay na.

IN FAIRNESS KAY Alfred Vargas, hindi naman niya itinatagong kasal na sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Yasmine Espiritu. Nung huling na-interview kasi itong dating girlfriend din niyang si LJ Reyes, naikuwento nitong nagkita raw sila ni Alfred sa Eastwood kasama itong si Yasmine at ipinakilala raw sa kanyang asawa niya ito.

Kaya may nagtatanong sa akin kung kasal na nga ba talaga si Alfred. Naalala ko noon pang nakaraang taon na sinabi naman ng alaga ko na kasal na sila ni Yasmine.

Civil wedding lang muna sila rito, at nung pagpunta niya ng Italy, nagkaroon na rin sila ng ceremony doon kasama ang pamilya ni Yasmine.

Kaya halos isang taon na silang kasal kaya okay lang kay Alfred na mapabalitang kasal na sila ni Yasmine.

Gusto na nga sana ni Alfred na magkaroon na sila ng church wedding ngayong taon, kaya lang namatay ang Daddy nito kaya baka sa susunod na taon na raw nila itutuloy ang church wedding nila.

Proud na proud naman si Alfred na  ibalitang masaya siya sa kanyang married life kaya inspirado itong magtrabaho.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

3 thoughts on “PELIKULANG ‘NIGHTS OF SERAFINA’, MAY SUMPA?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.